Part 30

342 8 0
                                    

Playboy + Manhater = Truth



"You should have told her earlier!"

Kagagaling ko lang ng office ni Maam Johanna ng maabutan ko sa hallway ng faculty office ang grupo ni Tiffany kasama si Suzy at Kierra.

Kasalukuyan silang nagkumpulan at tila may mahalagang pinag-usapan.

Bitches' meeting, ganoon?

I can't help but to roll my eyes.

"I only wanted to threatened her to stop messing with Kessler," si Tiffany.

Bahagya akong napaurong sa narinig.

They weren't talking about me right?

"You should have told her para hindi niya mapagbintangan si Kessler. Tingnan mo tuloy ngayon si Kessler ang napasama,"

Unti-unting umigting ang aking panga sa pagtagis.

This bitches of all bitch!

"All we did was to put a ketchup in her seat sa canteen," anang kasama ni Tiffany na mas lalong humaba ang suwang habang nagsasalita.

Hindi ko mapigilang mapakuyom ng kamao. Nangangati na ang kamay kong sugurin sila ngunit pinigilan ko ang sarili. Kakagaling ko lang sa assistant principal's office at ayokong bumalik roon ng dalawang beses ngayong araw.

"Don't act as if it's all our fault Suzy. Mind you, your group also done something to mysterious girl kaya lalo niyang diniin si Kessler," si Tiffany.

Kitang-kita ko ang pag-iwas ng tingin ni Suzy.

"Yes, may ginawa nga kami pero at least tinapon lang namin ang bag niya sa basurahan,"

I gritted my teeth so hard. This bitches already crossed the line. All along I thought na ang manyakis na playboy ang may pakana ng lahat pero hindi pala? At ang pagtapon ng mga gamit ko sa basurahan sa cr, ng mga libro ko sa pond at ang pagbitin sa flagpole ng extra underwear ko ay kagagawan ng grupo ni Suzy? How can they?

I heard a sarcastic laugh from Tiffany.

"Kung ganoon mas malala naman pala ang ginawa mo sa kanya kaysa sa amin," aniya.

If Suzy is the leader ng mga bitches sa mga seniors, si Tiffany naman sa juniors.

"Ofcourse not! All I did was to threw her bag in the trash can doon sa locker room!"

"Don't fool us Suzy, I know your group can pull that kind of stunt easily! At least ang ginawa ko nilagyan ko lang ng ketchup ang upuan niya. Ikaw, pinahiya mo siya ng sobra-sobra!"

I can't help but to smirked. Now they are pointing fingers at one another.

"I told you I didn't do it! My friends could testify that all I did was to threw her bag,"

I saw Tiffany smirked to Suzy.

"I don't believe you,"

Ang sama ng paraan ng pagtingin ni Suzy kay Tiffany.

"C'mon Tiffany, if its really me then we shouldn't have seen each other sa canteen during that day. We shared the same table with Kessler that day, right?"

Kitang-kita ko ang panandaliang pagkatahimik ni Tiffany.

"Yeah, I remember it Tiff." ang isang kasama ni Tiffany na kukunti nalang ang kilay na natira sa kaka-illegal logging.

"Naalala ko din Tiff," sabat ng may mahabang suwang.

Kaagad nag-iwas ng tingin si Tiffany saka nagkibit-balikat.

The Playboy's Mysterious GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon