Part 51

546 15 18
                                    

Man-hater + Playboy = Sick

"Dude." tawag ng tinig sa labas ng pintuan kasabay ng mahinang pagkatok.

Kaagad namang tumayo si Kessler Vinn at tinungo ang pintuan naiwan akong nakaupo sa isa sa mga silya roon habang lihim na kinakastigo ang sarili.

Why did I f*ckin cry?! And I did not just simply cry, I cried hard. Ang sheyt lang!

Pagkabalik niya ay may dala-dala na siyang bottled water at agad iyung inabot sa akin.

"Water, bitch."

Tila wala lang akong narinig. Nanatili lang akong nakapangulumbaba sa arm chair habang tinatabunan ko ang mga mata ng dalawang kamay kasabay ng paminsan-minsang pagsigok na siyang resulta ng pag-iyak ko kanina. Potchang luha kasi!

"You'll get dehydrated diyan sa ginagawa mo."

Sa maliit na butas mula sa mga daliri kong nakatakip sa aking mga mata ay nakita ko siyang umupo muli sa harap ko.

"Tss, can you stop doing that? You're just making your eyes pluffier." aniya sabay tangkang tanggalin ang mga kamay ko na nasa mga mata ngunit di ako nagpatinag.

At nang mapagtanto ang narinig ay bahagya akong sumilip mula sa butas ng aking mga daliri. "Di nga?"

I saw him smirked. "You're more like bitten by a bunch of bees, actually."

Nanlalaki naman ang mga mata ko sa narinig. "Potcha!?"

Nagkibit-balikat lang siya. Tuloy ay di ko mapigilang magpanic.

Ilang minuto nalang at mag-ala una na at sigurado akong may klase sa classroom na kinaroroonan namin. And I have a 1:30 class too.

"Hey asshole, did my eyes really swell that bad?"

Amused na tumango-tango lang ang gago dahilan para kaagad akong tumakbo ng CR na nasa loob lang din ng classroom.

"Pakingsheyt!" di ko mapigilang mura ng makita ang hitsura ko sa salamin roon. Para nga akong inatake ng pukyutan sa pamamaga ng mga mata ko at ang pula-pula pa pati ilong ko.

Ang sheyt talaga! This is why I hate crying.

"Ang pangit mo lalo."

Kaagad akong napatagis ng bagang sabay lingon sa asshole na ngayon ay naka-crossed arms habang nakasandal sa pintuan ng CR. Sumunod lang talaga siya para asarin ako lalo.

Ilang minuto lang talaga ang tinatagal ng mga pakunwaring pag-alala niya sa akin at ngayon balik sa dating gawi ulit siya at iyun ay ang ibully ako.

Pinangkinitan ko lang siya ng mga mata bago naghilamos ng paulit-ulit sa pag-asang babalik agad sa normal ang mata ko.

Huli na ng mapagtanto kong wala akong pampunas.

"Here." aniya sabay abot ng kulay asul na panyo.

No choice ako kundi ang tanggapin iyun at pinampunas sa basa kong mukha. Sunod niyang inabot ang tubig.

"Drink more water."

Sunud-sunuran ulit ako.

"Kasalanan mo to eh!" lingon ko sa kanya ng makitang halata pa din ang pamamaga ng mga mata ko buhat sa pag-iyak.

Bahagya niya lang akong tinaasan ng kilay. Sasagot pa sana siya ngunit inatake siya ng sunod-sunod na ubo kasabay ng pagsinghot-singhot ba tila may sipon.

"Bilis ng karma!" pabulong kong sambit pero sapat para marinig niya.

Tiningnan niya lang ako sabay kuha ng bottled water sa aking kamay at walang abog iyung tinungga.

The Playboy's Mysterious GirlTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang