Part 63

281 10 5
                                    


Playboy + Manhater = Priorities



Naging okupado ang buong araw ko pagkatapos umalis ng asshole para magtrabaho dahil dumating pareho sina Carrie at Dora. Nauna lang ng isang oras si Dora sa pagdating kay Carrie. Kung hindi ay baka iisipin ko talagang nag-usap sila. Ang gulo at ingay tuloy ng unit.

Hindi naman gaanong nagtagal si Dora dahil hindi daw alam ng mga amo niya ang pagbisita sa akin. Sinadya niya lang sumaglit sa unit ng magkataong nautusan siyang mag grocery.

"Gustong-gusto din ni Aling Diday at Manong Austing na dumalaw dito maam ganda, iyun nga lang ay ang hirap pumuslit dahil bibihirang umalis ng bahay sila Senator at sir Drae. Ganoon din si sir Luke."

"Hindi pa bumalik ng Maynila si Diego?"

Mahinang umiling-iling lang si Dora habang abala ito sa paghuhugas ng plato. Naabutan niya kasi ang mga hugasin na pinagkainan namin ng asshole kaninang agahan at iyun agad ang inatupag niya.

"Ewan ko ba diyan sa tatay at mga kapatid mo maam ganda biglang gustong mag-long bacation dito sa Cebu." frustrated pa na sagot ni Dora. "Ang hirap tuloy naming makahanap ng oras para bisitahin ka."

Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Di ko man masabi pero nami-miss ko na din sila aling Diday at Manong Austing. "Kumusta na sila Aling Diday at Manong Austing, Dora?"

"Okay lang naman sila maam ganda. Iyun nga miss na miss ka na nila. Ilang beses na din nila sinubukang pumuslit sa pagdalaw sa iyo dito pero ang hirap dahil palagi silang hinahanap ni sir Diego at mga kuya mo din."

Napabuntung-hinga nalang ako.

"Wala din bang planong umuwi ng Bukidnon sina Kuya Drae at Luke?"

"Si sir Drae dinig ko'y babalik na siya ng Bukidnon sa makalawa."

Tumango-tango ako. Ofcourse, kailangan ni Kuya Drae na umuwi na ng Bukidnon dahil siya ang nangangasiwa ng plantation ng mga Dela Cuesta roon.

"Pero si sir Luke ay parang wala pang plano. Dinig ko pa nga'ng mag-ienroll siya ng Low sa San Carlos maam ganda."

Ilang sandali akong natigilan sa narinig. Kahit iba ang pagkapronounce ni Dora ay gets ko.

"Huwag mong sabihin kanino man sa kanila na alam mo na maam ganda ha." kaagad niyang sansala kahit na abala ako sa pagproseso sa nalaman. "Aksidente ko lang naman kasing narinig ang tungkol doon ng mapadaan ako sa library ng daddy mo."

Ilang sandali pa akong natulala. Iisa lang ang ibig sabihin nun, Luke will freaking stay in Cebu. I doubt if it's his own decision to stay though. For sure its a unanimous decision from the three of them. Ayokong mag-assume pero alam kong ako ang dahilan niyun. Ofcourse, why would Luke suddenly plan on enrolling Law at San Carlos when he is already settled in Bukidnon? Matagal na ring wala ang Twirky's kung saan business partner sila ng kaibigan niyang si Jeff.

"How about Lala? Is Diego still mad at her?"

I haven't personally talked Lala since that night at the Alarcon's residence kung saan lango ako sa alak. I called her once through landline at mabilis lang din ang aming pag-uusap. Basta ang alam ko'y nag-away sila ni Diego dahil sa naging participation niya sa kalokohan namin ni Kessler Vinn.

"Ang alam ko maam ganda ay nasa Maynila siya at abala sa mga naiwang trabaho roon ni sir Diego."

Madami pa sana akong katanungan kay Dora pero dumating si Carrie at biglang ang ingay at gulo ng unit lalo pa't dala niya ang alaga niyang pusa.

Di rin nagtagal at nagpaalam din agad si Dora sa takot na baka magduda sila Diego.

"Siguradong ayos ka lang talaga maam ganda ha? Hindi naman kayo nagrambolan ni sir Kessler? Umiiyak pa naman ang araw na di kayo nag-aaway."

The Playboy's Mysterious GirlWhere stories live. Discover now