Part 43

519 19 11
                                    


Playboy + Man-hater = Going on a secret date?



“Damn, you look horrible!” anang boses na sumalubong sa akin eksaktong pagkababa ko ng living room.

Bandang alas-onse na nang tanghali akong nagising dahil na rin siguro sa mga tinurok sa aking gamot kahapon at diritso kaagad akong bumaba dahil sa uhaw.

Bahagya pa akong napaatras sa gulat ng makita siya. Ang nasa kalagitnaan ko na sanang paghihikab ay agarang naputol at napalitan iyun ng mahigpit na pagtiim-bagang.

At talagang sinabayan pa niya talaga ng nang-aasar na tawa.

Mayroon bang kakagising lang tapos inallergy pa na mala-Liza Soberano kaagad ang awra? Tssk.

Komportableng nakahilata ang playboy sa pang-apatang customized sofa namin sa bahay habang abala sa pagsipsip ng fresh milk na alam kong pinapakialaman niya sa aming refrigerator. Feeling at home eh?

He’s watching a soccer game sa cable na akala mo nama’y tila wala sila nun sa mansion nila.

He suddenly vanished at the resort's clinic pagkatapos niya akong ihatid roon  kahapon kung saan naghihintay si Dr. Sarmiento at ngayon ke-aga aga pa niyang gumala sa ibang bahay at manira ng araw ng mga nakatira roon.

Mas lalo lang uminit ang ulo ko ng makitang yakap-yakap niya ang paborito kong Spongebob na throw pillow na ni isa sa dalawa kong half brothers ay hindi nakahawak nun. Mas ikinainis ko pa iyun kesa sa pagtawag niya sa just woke up kong hitsura na 'horrible'.

Walang sabi-sabing hinablot ko ang unan mula sa pagkakayakap niya at agad hinambalos iyun sa kanya.

“Ke aga-aga nambi-bwisit ka! Umuwi ka nga sa inyo!”

“Shit! Ang baho ng hininga mo bitch!" tumatawa niyang dagdag sabay ilag.

Darn,  pumunta lang talaga siya ng bahay para inisin ako. Grrr!

Pinanlisikan ko siya ng mga mata ngunit ni katiting ay ni hindi ko makitaan ng pagkatinag.

Ganito kami. Ganito siya. We fought over the littlest things and we patch up like nothing happens.

We fight, we also do silent treatment with each other when we're mad but in times na kailangan namin ang isa't-isa we're always there just like what he did yesterday.

Iyun nga lang wala pang 12 hours ay he's at it again. He's back again of annoying me bigtime.

“Kumusta na ang pakiramdam mo Alecx? You now okay?” ani Lala na kaagad nag-angat ng mukha mula sa ginagawa nito sa laptop niya ng makita ako. Nakaupo ito sa katapat na sofa na inukupa ni Kessler Vinn.

I guess she's entertaining the unwanted visitor while im still not up.

Mabilis na sinagot ko lang ito ng kibit-balikat. Generally, I now feel fine although my eyes are still bit swollen ngunit hindi na katulad kahapon na halos hindi ko maibuka sa sobrang pamamaga.

I also purposely did not changed from my pajama terno dahil may mga rashes pa ako sa ibat ibang bahagi ng katawan which I know will still take days bago iyun tuluyang maglaho.

“Okay na siguro ang pakiramdam ni maam ganda, maam Lala kasi nakakapanakit na siya kay sir Kessler eh!” ngumingising sabat ng atribidang si Dora na hindi ko napansing nasa likuran ko na pala.

I immediately turned my glare to Dora. Humanda din tong may mala-kambing na bangs sa akin eh binibwisit din niya ako dahil di niya nilagyan ng tubig ang kwarto ko.

Ang gagang Dora kahit maglimang taon na siyang nagtatrabaho sa amin ay hindi pa din maputol-putol ang pagka-atribida nito mas lumala pa nga.

“Pakiprepare na lang ng breakfast ni Alecxis, Zipphora para makainum na siya ng gamot.” si Lala.

The Playboy's Mysterious GirlDonde viven las historias. Descúbrelo ahora