Part 8

434 9 0
                                    

Playboy + Manhater = Owing?




Tatlong araw na ang nakalipas simula noong nangyari sa rooftop ngunit hanggang ngayon ay ngaling-ngali pa din ako sa inis sa tuwing maalala ang pangyayaring iyun.

Sana lang ay binulls–eye ko na siya ng sa ganoon ay makaganti man lang ako sa pagpapahirap at tangkang pagpapaluhod niya sa akin ng araw na iyun.

Kakapasok ko lang ulit matapos ang dalawa kong araw na absent. Tumalab kasi kay Lala ang pag-aarte kong masakit ang kamay ko kaya ayun nakadalawang araw akong absent.

Laking pasasalamat ko naman at ni anino ng manyakis ay hindi ko nasilayan dahil kapag nagkataon ay maagang masisira ang araw ko.

"Bakit kaya absent si Kessler?" pagkatapos ng break-time ay iyun kaagad ang pinag-uusapan ng mga kaklase kong baliw sa Celestian High. Para din lang akong naroon sa St. Anne.

"I heard there's an emergency meeting in Celestian Group," ana din ng isa na ang daming palamuti ng buhok.

"OMG! I can imagine how hot Kessler might be in his suit." sabat din ng isang may sobrang ikli na palda.

"Same here. I think sobrang bagay sa kanyang magsuit!" anang tila kaboses ang daga.

Hindi ko tuloy napigilang mapangiwi habang nakikinig.

"I'm hoping that he'll post his ootd in instagram!" anang may maraming palamuti ang buhok at saka sabay-sabay pang nagtinginan ang mga babae at nagtilian.

Darn, these girls are definitely crazy!

Pagdating ng lunch break ay sa classroom na ako kumain. Nagdala na ako ng packed lunch. Duhh, nagkaphobia na ako. Kaya bahala nang magmukha akong kinder na may dala-dalang packed lunch basta ba huwag lang akong nai-iskandalo sa canteen.

Pagkadating naman sa PE class naming pagkatanghali ay halos maubos ang lahat ng energy ko sa pinapagawa sa amin ng bago ko lang na-meet na guro. My god, pinapakadang ba naman kami sa gitna ng quadrangle habang tirik na tirik ang araw. Darn! Kung alam ko lang na iyun ang mangyayari ngayong araw ay di sana ini-extend ko na ang pag-aabsent.

Kaya pagdating ng uwian ay halos takbuhin ko na ang parking lot ng Celestian High. Gusto ko nang makauwi kaagad at matulog.

"Shit!" sandali akong napaurong mula sa pagtakbo ng maalalang dinala pala ni Mang Austing sa talyer ang kotse para sa annual maintenance check nito kaya wala akong choice ngayon kundi ang magtaxi.

At kailan pa daw ako naging makakalimutin? Ang deym lang!

Kaagad ay wala akong inaksayang oras at agad akong pumara ng taxi. Mabuti nalang at hindi pa ganoon ka rush hour kaya kaagad akong nakasakay. Halos lahat din naman kasi ng mga estudiyante sa Celestian High ay may mga sundo kaya wala akong kaagaw sa paghahanap ng taxi.

Habang lulan sa taxi ay pagod na ipinikit ko ang mga mata at prenteng hinilig ang likod sa upuan. I'm so damn tired! Isa na sa pinaka-hate kong subject ang PE ngayon. Pinapakadang ba naman kami ng dalawang oras. Pakshet lang. Ni hindi ko nga mabilang kung ilang beses akong nahulog sa kadang na kawayan na iyun.

Habang panay ang pagmumuro ko sa pinapagawa sa amin ng bakla naming guro sa PE ay saka naman ako nakaramdam ng kakaiba. Eksakto namang nasa kalagitnaan na ako ng biyahe.

"Shit!" wala sa loob na napamura ako sa sarili.

Anong gagawin ko?

Sandali akong nag-isip at nang makakita ng seven-eleven store ay kaagad akong nagpasya at pumara.

"Manong, pakihinto nalang diyan sa tabi ng convenient store." sabi ko sa driver ng taxi. Kaagad namang tumalima ang driver.

Kailangan kong bumili ng sanitary napkin dahil naubusan na ako ng stocks sa bahay.

The Playboy's Mysterious GirlWhere stories live. Discover now