Part 60

248 9 3
                                    


Playboy + Manhater = Cohabitation



"The place is good, Alecx." lingon sa akin ni Carrie. Nauna pa siya sa aking maglibot. Di halatang excited siya.

Nanatili lang ako sa bukana ng pintuan. I feel like the moment I take one more step forward then it means there's no turning back anymore.

"Tss, pumasok ka na nga." at walang habas lang akong tinulak papasok ng taong bigla nalang lumitaw sa likod ko.

"Bakit ka nanunulak?!" Nanliliit ang mga matang nilingon ko ang tumulak sa akin.

Kaagad domoble ang inis ko ng makitang si Carl iyun at may mga bitbit na mga grocery bags mula sa Rustans. We went for a quick grocery shopping before we proceeded here in Solace Condominium which is just a minute drive away from Ayala Mall. Nauna na kaming umakyat ni Carrie dahil nagsmoke pa ang mga itlog sa basement.

Dito kaagad kami dumiritso pagkatapos magcheck-out sa Crown Regency.

"Eh bakit ka ba nakaharang sa pintuan?" asik din niya sa akin.

Kaagad kumulo ang dugo ko sa narinig. Bago pa ako makasagot ay nakalapit na sa amin si Carrie na balewala lang ang bangayan namin ng kakambal niya. "Omg Alecx, the amenities here is good too." kung di ko lang kasama si Carrie ay mapagkamalan ko siyang agent sa pagkahyper niya sa lugar.

"It has two rooms but one comfort room nga lang. The other room is quite small too." pagpapatuloy pa nito.

Dinaanan lang ni Carl ang kakambal niya at walang pasubaling dumiritso sa mini kitchen ng condo habang pabulong-bulong. "Mga babae daming arte, eh ano kung maliit ang importante ay may matitirhan."

"May sinasabi ka?" ani Carrie.

"Oo, sabi ko ang a-arte niyo!"

Kaagad namang nanggalaiti sa inis si Carrie at tinakbo ang kakambal sa kusina para makipagrambulan.

Hinayaan ko na si Carrie na ipaghiganti ako sa kakambal niya.

Doon na ako nagkaroon ng pagkakataong ilibot ang paningin sa loob ng unit. Well, may kaliitan ngang talaga siya. I think, it was modeled for a single person. Kahit nasa pintuan ka pa lang kasi ay kitang-kita mo na lahat. The moment you enter the unit ay agad sasalubong sa iyo ang maliit na living room at sa right side nito ay ang magkatabing kwarto na hinuha ko dahil parehong nakasarado naman ang pintuan. Sa dulo naman ay ang isang pinto na hinuha ko rin  ay ang CR. Sa left side naman ng living room ay ang maliit din na kitchen na kasama na roon ang dining area. May mesa na doon na pang apat lang na tao ang maximum na makakakain at katabi ng kitchen ay ang maliit na bar counter.

Not bad.

In all fairness ay kompleto na rin iyun sa gamit. May 52 inches na TV sa living room at mayroon na ding two-door refrigerator sa kusina. May mga plato at lutuan na din roon. I think doon nanirahan si Miss Benetiz before marrying Kessler Vinn's dad. Well, kung ako lang mag-isa roon ay okay na ako. But having Kessler Vinn around? I'm not comfortable. But do I have a choice right now?

Sadly, none.

"Wahh, so ito na ang tirahan ng bagong mag-asawa?!" sigaw ng bagong dating na si Dwight. May bitbit din siyang mga bags full of groceries or shall I say alcoholic drinks dahil iyun lang naman ang halos pinamili nila kanina.

"Shut up, Dwight." sabi ko sa magkadikit na ngipin.

Ang lakas ng tawa ng isa ding gago. "Damn Alecx, hanggang ngayon di pa din nagsink-in sa iyo?"

Pinanliitan ko siya ng mga mata. Damn, can they just shut up?

Mas lalo lang natawa ang gago lalo pa't sinamahan siya ni Carl. "God Alecx, dapat masanay ka na. You're  Mrs. Kessler Vinn Celestian now and--."

The Playboy's Mysterious GirlOù les histoires vivent. Découvrez maintenant