Part 4

550 14 0
                                    

Playboy + Manhater = Huge trouble





"Mysterious girl??" hindi ko napigilang utas.

Narinig ko na iyun kanina eh.

"Oo, ikaw si mysterious girl. Ikaw ang babaeng dahilan ng kauna-unahang heartbreak ni Kessler Vinn!" mabilis na sagot ng may pulang labi.

Mas lalong kumunot ang noo ko sa huling narinig. Kessler Vinn?

Damn! Iyun ata ang pangalang minu-minuto kong naririnig sa mga kaklase ko sa St. Anne. At kung hindi ako nagkakamali ay iyun din ang tinutukoy ni Ellah na crush nila ni Fretzel. Shit! Paanong nasangkot ang pangalan ko kasama ang playboy daw na iyun?

Pero baka nagkamali lang ako ng narinig. No way I can be linked with him. Ni hindi ko nga iyun kilala. All I knew about that name is that he's good in fooling girls and makes them all cry after he's done.

"S--Sino??"

"Hindi ka rin lang pala dakilang paasa eh no? Queen of denial ka din! Sana nag-artista ka na lang ang galing mo kasing umarte eh. Ang dami kong palakpak sa iyo newbie." mapaklang wika ng may singkit na mga mata.

Bakit galit na galit ang mga 'to sa akin?

"Huwag mo kaming isilid sa bulsa mo newbie baka nakalimutan mong kami ang Celestian Agents."

Gusto ko namang matawa sa lahat ng mga naririnig. It's like the whole world is joking.

Darn! Nitong mga huling araw ay ang daming nangyayari sa paligid ko na nakakagulat. Pakshet, ang tinding malas na dala ng manyakis na iyun!

"At huwag na huwag kang magdi-deny dahil may ebedensiya kaming hawak na nagpapatunay na ikaw nga si mysterious girl!"

What the heck is heppening? Hindi kaya ay nanaginip pa ako mula sa mahimbing kong pag-idlip? At kung anu-ano nalang ang naririnig ko?

Pinilit kong pang kusutin ang mga mata at ilang beses na sinubukang kurutin ang braso ko ngunit napapa-aray lang ako sa sakit. Darn! Totoo ngang gising ang buo kong diwa.

"Stop spreading false gossips ni hindi ko nga kilala ang sinasabi niyong Kessler---"

"Here." anang pinakamatangkad sa kanila.

Sandali akong natigilan sa nakitang inabot niya sa aking cellphone. Nakakunot ang aking noo na tinanggap iyun. Deja vu? Ganoong-ganoon na eksena din ang nangyari noong nakaraan sa pagitan naming ng manyakis na mapagbintang na iyun.

"Tingnan mo ang mga pictures diyan then you tell us kung sino ang nakipaglokohan dito newbie. You better prepare yourself dahil talagang kakainin mo lahat ng mga sinasabi mo kanina."

Pictures????

Bigla akong kinabahan. Mukhang may hinuha na ako.

Ngunit sa huli ay tiningnan ko muna ang laman ng cellphone bago nag-react. At tulad ng hinuha ko ay ang mga larawan na naroon ay walang pinagkaiba sa pinakita sa akin ng manyakis noong nakaraan.

What the heck? Anong klaseng virus mayroon ang mga larawang iyun at pati sa bago kong eskwelahan ay kumalat din?

"You can't deny anymore newbie, the pictures tell everything." anang may singkit na mata.

Hindi ako makasagot bagkus ay nanatili lang akong nagtatagis ang mga bagang.

But wait, did they say na Kessler Vinn ang pangalan ng manyakis na lalaki? No way!

"Are you saying na Kessler Vinn ang pangalan ng lasenggerong manyakis na 'to?" duro ko sa mukha ng lalaking nasa cellphone.

"Anong sabi mo, lasenggero si Kessler?!"

The Playboy's Mysterious GirlWhere stories live. Discover now