Part 2

1K 14 0
                                    

Playboy + Manhater = War begins



"Oh my god! Really??"

"Totoo? Di nga?"

"What?!! Seriously??!!"

Umagang-umaga ay nabulabog ang pagtulog ko mula sa matigas na arm-chair dahil sa malakas na pag-uusap ng mga kaklase kong panigurado akong kararating lang.

Wala sa loob na napainat ako ng braso kasabay ng paghikab.

Nakasanayan ko nang maagang pumapasok at sa classroom pinagpatuloy ang putol-putol kong tulog sa bahay. At isa pa kakapasok ko lang ulit ng St. Anne Academy mula sa isang linggo kong suspension.

Buntung-hiningang kinukusot ko ang inaantok ko pang mga mata kasabay ng pagtaas ng mukha. Wala na eh, naglaho na ang gana kong matulog dahil sa ingay ng mga kaklase kong sobrang daldal. St. Ann is an all girl exclusive school kaya no wonder kung bakit walang minutong natatahimik ang classroom.

I heaved a long sigh again. Buong akala ko pa naman ay makakabawi ako ng tulog ngayon.

"I really can't believe it!" naabutan kong nagsalita ang kalahating haponesa kong kaklase na si Yuki. Tila may nabalitaan itong hindi kapani-paniwala base sa reaksiyon ng mukha nito. Kasalukuyan itong napapalibutan ng mga tsismosa din naming kaklase.

Wala sa sariling napailing-iling nalang ako kasabay ng pag-abot ng librong nakalapag sa arm chair ko at sinimulan iyung buklatin. Kega-aga puru walang kwentang kuwentuhan na ang inaatupag ng mga ito. I bet na kung hindi tungkol sa trending na artista ay mga lalaki sa kung saan-saang campus ang pinag-uusapan nila.

Makapagbasa na nga lang ng libro ni James Patterson.

"Sabi ko na nga ba at hindi ka rin makapaniwala sa ibabalita namin sa iyo Yuki." kahit naka-earphones na ako ay umabot pa rin sa pandinig ko ang boses ni Honey, isa din sa mga tsismosa kong kaklase.

"Pero iyun talaga ang trending ngayon dun sa Celestian High." dagdag pa nito.

Nakikinig ang isa kong teynga ngunit agad ding pinapalabas sa kabila. Kahit anong gawin kong pagtaas ng volume sa pinapakinggang tugtog sa cellphone ay naririnig ko pa din ang pag-uusap nila.

"Pero baka tsismis lang ---" hindi natapos ang sasabihin pa sana ni Yuki dahil pinigilan na ito ng kuros na pagsasalita ng mga nakapalibot ditong mga kaklase namin.

"No! Totoong nawasak na sa wakas ng pag-ibig ang Celestian playboy!!"

Napapikit ako ng mariin sa inis ng halos sabay-sabay silang sumigaw.

Darn, they are so loud!

"I still won't believe it." rinig kong giit ni Yuki sabay iling-iling.

"But it's really true Yuki. Kinon-firm na ng mga friends niya. Kessler Vinn, the Celestian playboy is finally brokenhearted," sabat naman ni Devine.

Wala sa loob na napahikab ako ulit.  Darn, inaantok pa ako.

"Well, if it's really true then good to hear that. Finally, he got his own dose of karma." ani Yuki sabay ng pilit na pagngiti.

"But the lucky girl is still unknown...!!" kahit naka-full ang volume ay umabot pa din sa pandinig ko ang sinigaw ng isang kakarating lang na si Carrie, ang kilalang pinakatsismosa sa buong St. Anne. Wala siyang tsismis na hindi alam, mapa-celebrity o kanto-kanto man.

Wala na akong nagawa kundi ang ibaba sa ibabaw ng mesa ang binabasang libro.

They are freakin loud, di ako makapag-concentrate.

The Playboy's Mysterious GirlWhere stories live. Discover now