Part 9

395 10 0
                                    

Playboy + Man-hater = Trouble 2








"Maam ganda! Andiyan ka na pala?"

Sandali akong napasandal sa likod ng pintuan habang hawak ang dibdib.

Pakshet! Kamuntik akong atakehin ng nerbiyos sa sobrang gulat. Bigla ba namang lumitaw ang ulo ng babaeng may bangs mula sa ilalim ng kama ko.

  Wala na bang katapusan ang kamalasan ko ngayong araw?

"Anong ginagawa mo diyan Dora!?" galit na bulyaw ko dito ng tuluyan na akong makabawi sa gulat.

   Andito na naman ang babaeng bumabanas ng pasensiya ko araw-araw. Siya lang naman ang atribida kong yaya. Nakakahiya pero sa edad kong ito ay may hina-hire pa ding tagapag-alaga sa akin si Diego. Tssk.

  At tinatawag ko siyang Dora dahil masakit lang naman sa mata ang bangs niya.
 
"Naglilinis. Ang dami na kasing alikabok dito sa ilalim ng kama mo baka u-ubuhin ka na." anito saka ngumisi ng malaki. Kitang-kita ko tuloy ang buong gums nito.

Kaagad akong nag-ikot ng mata sa inis. Pakshet talaga oh. Kung makasagad sa akin ang kamalasan wagas. Malas na nga ang inabot ko dun sa 7-11 pati ba naman sa bahay malas na mukha ni Dora din ang aabutan ko?

Tatlong taon lang ang tanda sa akin ni Dora pero sa asal ay ako ang mas matanda sa kanya. Damn, bakit hindi ang bruha ang tinawagan ko kanina?

Noon ko lang din naalalang wala nga pala akong number niya dahil ayoko nga sa kanya. Pero dahil sa nangyari kanina ay natuto na ako.

Hindi ko na mabilang kong pang-ilang yaya ko na si Dora simula nang dalhin ako ni Lala dito sa Cebu at ang saklap dahil sa lahat ng naging yaya ko ay si Dora lang ang nakayanang magtagal. Hindi umipekto dito ang katarayan at sama ng ugali ko.

Mukhang malaki-laki ang pinapa-suweldo dito eh.

"Save your number here," wala sa loob kong sambit sabay abot dito ng cellphone ko.

Bahagya namang nanlaki ang mga mata ng babaeng may bangs.

"Ayaw mong ibigay ang number mo?" untag ko ng panandalian itong natulala.

"Hindi maam ganda. Gustung-gusto ko." anito saka mabilis na tinipa ang numero.

"Bakit mo nga pala biglaang hiningi ang number ko gwapa?"

Kaagad akong napairap sa kawalan. Ang dami talaga nitong tanong.

"For emergency, satisfied?"

Kaagad ngumiti ng malaki ang gaga.

"Sabi ko naman sa iyo dati, maam ganda eh. Ayaw mo talagang kunin ang number ko."

Binigyan ko lang siya ng matalim na tingin. At kaagad kumuha ng tuwalya.

"Maliligo ka maam ganda?"

Hindi ako sumagot.

"Hala maam ganda, natagusan ka?" singhap pa nito na sobrang kinainis ko. Pinaharap ko na nga iyung palda ko pero napansin pa din ng bruha.

Nanggalaiti na nga ako sa inis dahil nakita iyun ng manyakis tapos dumagdag pa si Dora. Sobrang galing lang ng araw ko. Tssk.

"Labas." wala sa loob kong wika.

   Kumukulo pa rin ang dugo ko ngayon sa sobrang inis dahil sa daming kamalasan na dinanas ko ngayong araw.

"Pinapaalis mo na ako, maam ganda?"

Mariin kong pinikit ang mga mata. Nagtanong pa daw? Grrrr.

And damn, kahit ilang beses ko itong pinagsabihan na ayaw ko na tinatawag niya akong 'maam ganda' ay matigas talaga ang ulo. Grabe!

The Playboy's Mysterious GirlWhere stories live. Discover now