Part 26

299 8 0
                                    

Playboy + Manhater = Hatred





Tatlong araw na ang nakakalipas simula ng kausapin ko si Cheska ngunit sa huli ay nagpapakatanga pa din ang gaga.

Wala eh, baliw siya eh. Baliw sa playboy na manyakis.

Mukhang nagsasayang lang ako ng laway doon sa pangangaral ko sa kanya sa CR dahil sa huli ay ayun nagkumpayayat na naman sa kakahabol sa manyakis.

Araw ng biyernes at tulad ng nakagawian ko na ay ako na naman ang pinakamaagang dumating ng eskwelahan.

Humihikab pa ang security ng Celestian High ng pagbuksan niya ako ng gate.

Panay ang suklay ko sa buhok gamit ang mga daliri dahil nakalimutan kong magsuklay bago umalis habang tinatahak ang pathway patungo sa building ng High school department.

I am about to passed by the pool area ng marealize kong nagkamali pala ako. Dahil nakita kong hindi pala ako ang pinakamaagang dumating roon. Naunahan ako.

Wala sana akong balak na pansinin ang presensiya niya ngunit ang sunod kong napaga-alaman ay may iba pang taong naroon.

"Kessler please!" narinig kong pagmamakaawa ni Cheska sa manyakis na kakaahon lang sa pool.

He's topless and only wears his blue trunks.

Kaagad akong ngumiwi. Ang eww lang.

Tila wala man lang narinig ang playboy at diri-diritso lang sa lounge chair kung saan naroon ang tuwalya niya.

Wala ba silang pool sa bahay? Ba't kailangan'g dito sa Celestian High maligo?

Well, sabagay sa kanila naman daw 'tong eskwelahang to. Hmp.

If I know gusto lang niyang ibalandra ang katawan niya kunu sa mga estudiyanteng baliw sa kanya. Tssk.

Style nga naman ng gago.

But wait, ang aga naman ata ng schedule nitong si Cheska para maghabol ng lalaki.

"Kessler please, let's talk," sa boses pa lang ay halata ko ng mangiyak-ngiyak na ang babae.

"Ano ba kasi ang ginagawa mo dito, Cheska?" Iritadong sagot ng manyakis na playboy.

Sandali akong napailing-iling.

So him.

"I'm here because you're avoiding me!" Ayon pumiyok na talaga ang boses ng freshman na si Cheska.

Bakit ka naman kasi nagmamadaling lumandi, girl. Ayan, ang aga mo ding nasasaktan.

"Tell me Kessler, are you really avoiding me? Tell me you're not please," anito habang panay ang abot sa likod ng playboy na may umaagos pang mga butil ng tubig mula sa pool.

Muli na naman akong umiling-iling. Girls shouldn't go this far.

"Tell me you still like me please. We're still cool right?" Basag ang boses na pagpapatuloy na wika ni Cheska.

Hindi ko mapigilang mapatiim bagang sa nasaksihan.

This is the reason why I think I will never be healed despite all those treatments Dr. Romana has given me.

Mas lalong tumiim ang aking mga bagang ng makita kong iwinaksi ng gago ang kamay ni Cheska na nakahawak sa kanya.

"You know, lets better end this," tila wala lang na sabi ng gago.

Kitang-kita ko naman kung paano manlaki ang mga mata ni Cheska, ang sandaling pagkagulat sa mukha nito ay unti-unting napapalitan ng labis na sakit at takot.

The Playboy's Mysterious GirlWhere stories live. Discover now