Part 22

366 9 0
                                    

Playboy + Manhater = Partner in crime




“Bakit ang tagal mo?” iyun kaagad ang sinalubong na tanong sa akin ni Kuya Drae pagkapasok ko ng kotse nito.

      Lukot na ang mukha nito senyales na bad mood siya. Sino ba naman kasi ang nag-utos dito na sunduin ako.

“Nag CR pa ako,” wala sa loob kong sagot sabay irap sa kapatid.

“Seatbelt,” narinig niyang sabi nito bago minaneobra ang manibela.

           Wala sa loob naman siyang tumalima.

“Siguraduhin mo lang na totoo ang mga sinasabi mo Alecxis at baka kung saan-saan ka napapadpad sa oras ng klase,” anito habang tinitingnan ako ng mapang-arok na tingin.

“Nah...” iyun lang ang tanging lumabas sa bibig ko kasabay ng paghigpit ng pagkakahawak sa seatbelt na nakapulupot sa dibdib.

          Darn, bakit pakiramdam ko’y nakita ako ni Luke roon sa SM kanina tapos sinumbong niya ako kay Kuya Drae?

“Why you haven’t back in Bukidnon, anyway? Aren’t you busy in the plantation?” pag-iiba ko ng usapan.

         Kaagad naman nagsalubong ang dalawang kilay ni Kuya Drae sa sinabi ko.

“You can’t wait for me to go brat huh?”

       Muli ko itong inirapan. Kuya Drae wouldn’t stay for nothing. I know that, I know him.

“May tinatakbuhan ka na namang babae sa Bukidnon, ano?”

       Tiningnan niya lang ako ng masama.

       Kaagad akong napailing-iling. Sabi ko na nga ba eh.

“Who’s this time Kuya Drae?”

        Hindi siya sumagot. Nakatuon lang ang atensiyon niya sa daan ngunit kitang-kita ko naman ang pagtatagis nito ng panga.

       Sandali kong natutop ang aking bibig ng may mapagtanto base sa reaksiyon niya.

“Oh my god! May nabuntis ka na naman?”

        Pang-ilang babaeng nabuntis na ba to ni Kuya Drae? At lahat panganay!

“Don’t turn the tables now Alecxis----,”

“Darn, I really hate you guys!” eksaktong nasa harapan na kami ng bahay kaya mabilis akong lumabas ng kotse at padabog na pumasok ng gate.

"I'm not fuckin fool Alecx to impregnate any girl I date!" pahabol pa nito ngunit di ko na pinansin.

How I wish all the playboys will fuckin lost their junior forever. Tingnan ko lang kong makapagyabang pa sila sa pakikipaglandian sa mga babae.

***

        
Mag-alas otso na ng gabi at nakahanda na akong matulog. Nakasuot na ako ng ternong pajama at nakahiga na sa kama.

Im still pissed with Kuya Drae. Kung puwede lang ay ipaparehab siya sa kalandian niya. Silang dalawa ni Luke actually.

“Maam ganda,” anang nakakairitang boses sa pintuan.

     Kaagad kong tinakpan ng unan ang teynga. Boses pa lang ni Dora ay naba-badtrip na ako.

“Maam ganda, kumain ka na daw sabi ni sir Drae,”

        Bahagy akong napatiim ng bagang. Simula ng dumating kami kanina ni Kuya Drae ay hindi na ako bumaba kahit anong tawag nito sa akin para maghapunan. I can’t face him now that i’m furious. Furious sa ka-playboyan niya. Ang isa ko namang kapatid ay sumusunod na din sa yapak nito. Hmp.

The Playboy's Mysterious GirlWhere stories live. Discover now