Part 13

461 9 0
                                    

Playboy + Manhater = Uncovering her secret

“Oh my god, are they really dating?”

         Bad mood na nga nagsimula ang araw ko negatives vibes pa ang naabutan kong tagpo sa classroom pagkapasok ng Celestian High umagang-umaga.

        Tatlong araw na ang nakalipas simula ng magcutting classes kaming dalawa ng manyakis na playboy at pinagalitan ako ng bongang-bongga ni Luke. Tatlong araw na din na akong hatid-sundo ng magaling kong kapatid.

“Yucks, I thought he’s more than that pa naman.”

         Umagang-umaga pero puro tsismisan na ang inaatupag ng mga magagaling kong kaklase.

        Napabuntung-hinga nalang ako sabay tungo sa aking mesa.

“Oh my, people today are really getting nakakadiri.”

         Napailing-iling nalang ako sa mga narinig.

          Wala ding pinagkaiba ang mga kaklasse ko dito sa Celestian High sa mga dati kong kaklase sa St. Anne. Ang iingay.

“Is this really true?”

       Sandali kong pinilig ang ulo. Masama ang pakiramdam ko. Wala akong sakit ngunit pakiramdam ko ay mas malala pa sa maysakit ang naramdaman ko ngayon.

        Wala akong ganang pumasok ngunit ayoko din namang magmukmok sa bahay lalo pa’t naroon si Lala. Kaagad lumipad papuntang Cebu ang chief of staff ni Diego ng mabalitaang nagcutting classes ako.

          This is not an ordinary day for me. It’s actually my hell day.

           Muli na naman akong nagpakawala ng malalim na paghinga.

“Eh nasa headline nga ng news diba? For sure totoo iyan.”

          Kung puwde lang sanang takpan ang teynga para hindi na umabot sa pandinig ko ang mga walang silbi nilang tsismisan. Mas lalo lang sumasakit ang ulo ko sa ingay nila.

        Sino na naman kaya ang pinagdiskitahan nila ngayong pagtsismisan?  

“He’s my idol pa naman but now parang ayoko na sa kanya.”

        Wala sa loob na nagtaas ako ng tingin at noon ko lang napansing isang diyaryo pala ang pinagkakaguluhan nila.

          At kailan pa daw sila naging mahilig magbasa ng balita?

“Selena is a damn slut, my god!”

         Kahit wala sa mood ay hindi ko napigilang mapataas ang kilay pagkarinig sa pangalang Selena.

         Selena, who?

         Kaagad din akong nagkibit ng balikat.

“Sayang, he’s the best congressman i’ve known pa naman tapos pumatol lang pala sa isang bold star.”

          Sandaling napaurong ako sa paglalakad.

          Congressman? Selena?

          Ang bilis kaagad ng tahip ng dibdib ko.

“What would you expect? Eh kaya nga popular siya sa congress, diba? Because of being labeled as the most charming congressman? And charming like him can be sometimes kinky too.”

     Ang lakas ng tawanan.

“But isn’t he too old to be kinky?”

           Tuluyan na talagang nanigas ang buo kong katawan bago ko pa man marating ang inuupuan dahil sa narinig. Ni hindi ko na magawang ihakbang ang mga paa.

The Playboy's Mysterious GirlDonde viven las historias. Descúbrelo ahora