1

1K 14 1
                                    

Noong 16 years old ako, mayro'ng nakakahiyang nangyari sa akin. It has something to do with Paul, my one and only crush since the beginning of the world (Charot, since grade one). Isang varsity player ng basketball si Paul sa campus at sa kagustuhan kong mapansin ni Paul, I sneaked into the shower room of the gymnasium. Nag-vandal ako sa isang cubicle gamit ang spray paint na pinag-ipunan ko pa ng piso-piso. In its messy wall, I wrote:

PAUL HANNIGAN,

I THINK I'M PAUL-LING FOR YOU.

SALUHIN MO NAMAN AKO.

And as much as I want to keep my identity to myself, I failed. Nahuli ako ng isang team mate ni Paul at kinuhanan ng video. Bottomline is, kumalat ang video ko habang nag-va-vandal sa shower room. Na-suspend ako ng tatlong araw, obviously, for vandalism. Naging katatawanan ako ng ilang buwan sa buong school community. Nakarating rin kay Paul ang video at magmula noon ay hindi na niya ako pinansin. Gusto ko sanang masaktan pero naisip ko, hindi naman talaga niya ko pinapansin simula noong grade one.

Nonetheless, masakit pa rin ha!

OPPOSITE WISHESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon