Chapter 75: Before the vlive

2K 35 3
                                    



CHAENG's POV

"Chaengie? Nasaan yung dalawa?" Tanong ni Jisoo unnie sakin pag daan nya sa kusina ng dorm namin. Nandito kasi kami ngayon para ivlive yung 3rd Anniversary namin.



"Nandun sa sala, naglalandian." Sagot ko habang nakatitig sa cake. Ang ganda kasi ng pag kakagawa e. Hihi. Natatakam na akong tikman. Pero kailangan pang mag antay ng isa't kalahating oras bago mag start yung live. Huhu.


"Chaeng, samahan mo ako. Icheck natin yung Jenlisa. Kinakabahan ako baka mamaya kalahati nalang yan e." Sbi ni unnie. Tinignan ko naman sya at nag pout.

Nag lakad na sya kaya sumunod nalang ako. Baka hindi ko din matiis na di tikman yung cake e. Lagot ako kay unnie.

Napatigil sya pag dating namin sa living room. Dahil nasa likod nya ako pumunta ako sa gilid nya para tignan kung anong dahilan ng pag tigil nya.


Napakamot nalang ako sa ulo sa nakita ko. Si Lisa nakahiga sa couch habang nasa ibabaw nya si Jennie na kinikiliti sya.


"Hahahahaha! Nini tama na." Natatawang sabi nya habang pinipigilan yung dalawang kamay ni Jennie.


"Promise me first." Nakangising sabi ni Jennie unnie at tuloy pa din sya sa pag kiliti.


"Hahah pro-hahahah promise-aaakkk! Haha beha-hahave na ako Nini!" Sigaw ni Lisa.

"Seriously?" Napatingin naman silang dalawa kay Jisoo unnie.


"Wag kayo masyado mag landian mamaya sa vlive ah." Paalala nya na iiling iling pa.


"Chaeng, bantayan mo muna yang dalawa." Sabi ni unnie sakin. Tumango naman ako at naupo sa kabilang couch. Umakyat muna si unnie sa kwarto nya.


"Chae, alam mo kung bakit pinaiwan ka ni unnie dito?" Tanong ni Lisa. Nakahiga na ngayon si Jennie unnie sa braso nya.


"Bakit?" Tanong ko at umayos ng upo. Ngumisi naman sya.


"Kasi ikaw talaga ang babantayan namin. Para di mo pagnasahan yung cake sa kusina." Natatawang sabi nya. Agad ko naman binato sakanya yung tissue box. Sapul sya sa mukha. Kasi yung dalawang kamay nya pinangharang nya sa mukha ni Jennie. Aish! Inlove na in love talaga tong monkey na to.


"Aish! Chaeyoung ah, kung tinamaan si Jennie?" Kunot noong tanong nya habang hawak na yung tissue box.


"Lis, wag mo na nga awayin si Chaeng." Suway ni unnie sakanya. Nilabas ko naman yung dila ko saka nag smirk sakanya.


Inis naman nyang pinatong sa center table yung tissue box. Nahiga nalang din ako at nag phone habang nag aantay ng oras.


Napansin ko naman na nag lalandian na ulit yung dalawa sa kabilang gilid ko.

Yakap dito, yakap don, kiss dito, kiss don. Aish! Bakit kasi ko iniwan ni Jisoo unnie dito e. Pwede ba kahit minsan hindi muna ako maging third wheel ng dalawang to? Huhu. Third wheel na nga ko publicly pati ba naman privately third wheel pa din!

Nakakagutom mainis. Makapag hanap na nga lang muna ng makakain. Pumunta ako sa kusina namin at nag kalkal sa cabinet. Kumuha ako ng cookies at ng potato chips at nilapag yun sa countertop. Kumuha din ako ng mango juice sa ref namin saka naupo sa stool.

Pag ubos ko ng limang cookies, nakita ko si Jennie unnie na palapit sakin.

"Food trip ah." Nakangiting sabi nya saka dumiretso pala sa ref. Kumuha sya ng bottled water at naupo sa dining.

I see you see me (JENLISA fanfic)On viuen les histories. Descobreix ara