Chapter 67: MY PRINCE LIMARIO

2.6K 41 2
                                    

JENNIE's POV

Kainis. Dapat kasama ako ni Lisa ngayon e. Ngayon pa naman yung flight nya papuntang Paris. Pero di pa ko makakasama dahil nandito ako ngayon sa GYE. Makikipag kita sakin Daesung oppa. Dapat hindi naman talaga ako e. Kaya nga nag bato bato pick kami, kaso unlucky day ko ata ngayon kaya talo ako. Ako tuloy yung mag kacancel ng lakad kahit na importante yun para sakin.


Nandito na ako ngayon sa building. Nag aantay na lang ako sa pag dating ni Daesung oppa, sabi mya kasi intayin ko daw sya sa office ni Seungri oppa. Ilang araw pa lang kasi kami nakakauwi galing Europe tapos puro lang kami pahinga sa dorm non, di rin kami pinapapunta sa kahit saan maski sa GYE kasi nag kakagulo pa, and last concert tour na namin next month. Dapat bago yun, maayos na muna ang dapat maayos.


"Jennie, buti nakapunta ka." Napalingon ako sa pintuan dahil sa nag salita si Daesung oppa habang nag lalakad papunta sa couch sa harapan ko. Naupo sya dun at nag lapag ng dalawang cup ng kape.



"Thank you." Sabi ko ng ilapit nya sakin yung isang cup.



"Akala ko si Jisoo ang pupunta ngayon?" Tanong nya bago humigop sa kape nya.


"May ibang lakad kasi si unnie ngayon e. Tsaka makikibalita rin ako sa mga pangyayare dito? Alam mo ba kung nasan si sajangnim?" Malungkot na tanong ko ng maalala ko yung mga lumabas na balita. Ngumiti sya at nilapag sa lamesa sa gitna namin yung mug na hawak nya.



"Nag resign lang naman sya bilang producer pero hindi nya naman iiwan tong GYE. Saka binalita lamg yun dahil may nananakot sakanya. Nakita ko yung brown envelope na nasa office nya nung nakaraang nag meeting kami para sa case ni Seungri. Tinatakot sya na kapag hindi nya iniwan yung GYE, sisirain nila yung buong company. Makakapag labas daw sila ng matitibay na ebidensya. E alam naman nating lahat, planted evidences lang naman yun." Paliwanag nya. Hays. Ang dami ng nangyayare sa GYE, mula pa noon, natigil lang ng ilang buwan tapos mula ngayong year, karamihan sa artists nadadamay na. Ako pa nga unang unang biktima.


"Jennie, gusto kong ipaalam to sayo. Mag iingat ka at kayong apat lalo na kapag nadito kayo sa loob ng GYE. Sigurado akong may mga traydor dito." Seryosong sabi nya.


"Traydor? Ibig ba sabihin totoo yung mga accusations? Na sinasabi lang nila yung totoo?" Tanong ko. Ibig ba sabihin may mga nangyayare talagang hindi maganda sa likod ng mga balitang lumalabas?



"May mga employee dito na nag reresign, kasi binayaran sila para mag labas ng information sa kabila, then lalagyan nila ng bagong version. Mas madumi kesa sa totoong nangyayare. Kung nabalitaan mo yung poor treatment daw kuno ng mga group, lahat naman tayo alam kung anong nangyayare, hindi naman natin ginusto yun, nasasaktan tayo at nasasaktan din si Principal dahil don, kayo nga na nasa taas na nag kakaroon pa ng balitang ganon. Si Lisa, na kesyo ibang lahi. E hindi naman talaga parepareho yung achievements na natatanggap natin, at hindi rin nila mapipilit na ibigay sa isang tao yung dapat na para sa iba. Saka lagi naman ginagawan ng paraan ni Principal maging maayos lang ang takbo ng lahat ng group, at yun ang mahalaga." Paliwanag ni Daesung oppa. Sang ayon ako sakanya, ang mahalaga dito lahat kami nakilala, lahat kami dito sa GYE nagagawa namin yung pangarap naming mag pasaya ng mga tao. Hindi naman dapat mainggit kung sinong mas sikat at kung saan ka nanggaling, ang mahalaga masaya kami sa ginagawa namin. Sa pag papasaya sa mga nag mamahal samin.




"Kung naaalala mo yung tungkol dun sa notebook mong nawawala?" Dagdag nya pa na ikinatawa ko.



"Ah, hahaha. Yung notebook ko ng mga kinompose kong kanta." Sabi ko habang inaalala yung mga nangyare noon. Natatawa pa din ako pag binabanggit yun.


I see you see me (JENLISA fanfic)Where stories live. Discover now