Chapter 49: BEST SOMEONE

2.4K 42 0
                                    


LIMARIO's POV

Ang aga aga na boboring ako. Hays! Wala kasi si Nini e. Wala kong makulit. Si Chu nag luluto ng agahan namin kesa daw mag sunog nanaman ako sa kusina. Si Chaeng kaya?? Hmmm.

Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba.

"Chu, nasan si Chaeyoung ah?" Tanong ko.

"Tulog pa ata." Sagot nya habang nag hahalo sa kaldero.


"Hm, bango." Sabi ko ng amuyin yung ulam na niluluto nya.

"Talaga mabango yan." Sabi nya tapos sumubo ng pancake.

"Huy! Penge, ang daya mo. Nagugutom na din ako." Sabi ko at umagaw sakanya sa plato ng pancakes.

"Akin yan e! Andun yung inyo oh." Sabi nya at tinuro yung nakatakip sa lamesa. Pumunta ako don at tinignan. Apat na piraso lang. Tag dalawa lang kami Chaeng. Tapos kanya tatlo.




"Kim pig! Ang daya mo, tatlo sayo." Sabi ko.

"Syempre ako nag luto." Sagot nya.


"Uhhh! Lutuan mo pa koooo. Tapos lagyan mo strawberries." Pag dedemand ko.

"Kapal neto. Di mo ko yaya uy." Sabi nya.


"Lutuan mo nako. Bilhan kita mamaya ng favorite mo." Pakikipag negotiate ko.


"Chicken??" Nag heart heart naman yung mata nya. Tumango ako habang nginunguya yung pancake.

"Okay! Tapusin ko lang to." Masiglang sagot nya.


"Thank you Kim Pig!" Sabi ko at kiniss sya sa pisngi.

"Uhhh! Limario!" Suway nya.

"Hahaha. Puntahan ko lang si Chaeyoung ah." Sabi ko at umakyat na sa kwarto ni Chaeng.


Kita ko naman sya na tulog na tulog. Napangiti ako sa naiisip ko.

Lumapit ako at nahiga sa tabi nya.


"Chaeyoung ah." Sabi ko habang sinusundot sundot yung tagiliran nya.

"Park Chaeyoung." Sabi ko at mas lalo ko syang kiniliti.

"Yaaaaah!" Sigaw nya habang inaalis yung kamay ko.

"Hahaha. Gising na." Sabi ko at tuloy lang sa pangingiliti.

"Lisa yaaaa!" Pag awat nya. Pero di pa din ako nag patinag kaya nag rambulan kami sa kama nya.


"Hahahaha." Tawa ko dahil sa itsura nyang pikit pa mata at magulo yung buhok.


"Yaaaa! Lisaaaa, stop it!" Pigil nya.

"How to be you?" Tanong ko. Napadilat naman sya. Nakapatong kasi ako sa ibabaw nya.

"Huh?" Naguguluhang tanong nya.

"Ang ganda mo pa din kahit bagong gising." Sabi ko.

"Lisa yaaa." Sabi nya at sinubsob yung mukha sa braso ko.

"Hahahaha. Kyoooooot." Pang aasar ko. Si Chaeyoung nahiya? Hahaha.



"Tumigil kana nga." Sabi nya.

"Ayoko nga." Pang aasar ko. Tapos kiniliti ko sya ulit.


"Waaaaah! Lisaaaaa, stoop it. Uhh! It hurts." Sabi nya habang kawag ng kawag.


"Hey! Ang ingay nyo. Akala ko kung ano ng ginagawa nyo dyan e." Napatingin naman kami kay Chu na nasa pintuan.

I see you see me (JENLISA fanfic)Where stories live. Discover now