Chapter 61: SOLO

2.4K 45 0
                                    



JENNIE's POV

After namin makapag usap ni Lili tungkol dun sa nangyare last month naging okay na kami, kinakausap nya na ako. Nakikipag kulitan na sya ulit samin at hindi na nag lalock ng pinto. Pero parang may something e, medyo ilag sya sakin kapag nilalambing ko sya. Pero kapag puro kalokohan naman game na game sya.

Madami na nangyare, nag end na din yung tungkol samin ni Kai, at marami na rin kaming napuntahan dahil sa pag peperform namin sa iba't ibang lugar. Sobrang nakakaenjoy dahil mas dumadami na yung nakikilala namin.

Ngayon pala, nasa event ako ng isa sa pinaka malaking endorsement ko. They invited me because I'm their ambassadress. At nag perform ako ng ilang kanta para sa mga guests.

"I'm going solo lo lo lo lo lo lo lo ~" Pag gaya ng bestfriend ko sa kanta ko kanina.

"Officially solo queen ulit Kim Jennie." Pang aasar nya at naupo sa tabi ko. Nasa isang table kasi ako. Napagod na ko sa kakausap sa mga guests kaya naupo na muna ako.

"Kahit never naman talaga ko nag ka boyfriend." Sabi ko at uminom ng cocktail na nilagay ng waiter sa table namin.

"Pero yun ang alam ng lahat." Sabi ni Chahee at naupo sa tabi ko.

"Kamusta kayo ni Lisa?" Tanong nya.

"Okay lang." matamlay na sagot ko.

"Mag sisinungaling kana nga lang halata pa." Sabi nya at uminom din sa baso nya.

"Hindi ko alam pero kahit okay kami parang may pader sa gitna naming dalawa." Paliwanag ko.

"Pader naman talaga si Lisa." Sabi nya. Sinamaan ko sya ng tingin.


"Joke lang. Pero jen, mahal ka non. Kahit ganyan pa yan sayo. Siguro kasi eto na yung time mo." Nakangiting sabi nya na ikinapag taka ko.

"Time ko??" Naguguluhang tanong ko.

"Oo, time mo para bumawe. Pafeel mo sakanya na sya lang yung gusto mo. Nung mga nakaraan laging sya nag hahabol sayo e. Sya yung mas nag eeffort at mas nagiging sweet mula pa nga nung una. Kaya para maging fair, kung mahal mo talaga sya. Ikaw naman ngayon ang mag habol sakanya. Ikaw naman ngayon yung mag effort at mas maging sweet para magkaron na ng next level ang fan service nyo--este yung love story nyo." Payo nya.

"Sigurado ka bang mag wowork yan?" Paninigurado ko.

"101% sure." Proud na sabi nya.

"Kapag ito pumalpak, tandaan mo tong araw na to Chahee. Sayo ko talaga ibubunton galit ko." Pag bibiro ko. Nag 'ok' sign naman sya na parang kalmado lang sa mga mangyayare.


"Mag enjoy lang muna tayo ngayon. Mamaya mo na isipin yan si Manoban. Sigurado ako sabog nanaman yung dorm nyo pag uwi mo kaya ienjoy natin tong gabi at mag inom." Sabi nya at tinaas yung baso. Kinuha ko naman yung sakin.


"Okay. May tatlong bata nanaman akong sesermonan mamaya." Sabi ko at itinaas din yung baso ko.


"Cheers." Sabay na sabi namin at nag bottoms up. Pag tapos ng ilang shot grabe parang umiikot yung paningin ko.

"Lumilindoooool Chaheeeeeee." Malumanay na sabi ko. Para kasing tulog na yung buong katawan ko sa sobrang lamya.


"Tara na. Uuwi na tayo. Nako naman Jennie, tatlong shot na baso lang yon ganyan agad epekto sayo. Di ba limang baso ang limit mo? Bakit ganon?" Madaming sinasabi netong babaeng to. Nag lakad ako habang inaalalayan ni Chahee ng tumigil kami. Parang sa elevator ata yon. Nakapikit na kasi ako sa sobrang antok.


I see you see me (JENLISA fanfic)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora