Chapter 28: GOODBYE

3K 56 1
                                    


LIMARIO's POV

Nung nakatulog na si Nini ay hinalikan ko sya sa noo at pumunta na sa kwarto ko para ayusin yung mga gamit ko.


"Leo, Luca. Pakabait kayo habang wala si Mommy okay?" Sabi ko sakanila at niyakap.

Pag tapos ko mag ayos ay nag pahinga na ako.

.
.

Eto na yun araw ng alis ko. Malungkot pero excited at the same time.

Kelangan ko muna mag paalam sakanila. Pumunta muna ako sa kwarto ni Chaeyoung. Tulog na tulog sya kaya hindi ko nalang sya ginising.

Umupo ako sa gilid ng kama nya at hinawakan yung ulo nya.

"Chaeyoung ah, buti hindi ka sobrang naiinis sakin kahit madalas kitang barahin. Pasensya na kung madalang nalang yung time ko na makasama ka. Promise, pag balik ko mag bobonding tayo. Thank you kasi sinasabayan mo yung trip ko kahit minsan mukhang ayaw mo talaga. Thank you kasi kahit gusto mo mapag isa pero nandyan ako at kinukulit ka, alam ko naiinis kana sakin pero hindi mo ko pinapaalis. Ngayon, tatahimik yung kwarto mo saka yung araw araw mo kasi walang makulit na Lisa na gugulo sayo. Hehe. Pakabait ka kina Chu ha. Ikaw na bunso nila simula ngayon. Okay? I need to go. Take care of yourself Chaeyoung ah. Mamimiss kita." Sabi ko and I kissed her forehead bago ako lumabas ng kwarto nya.



*sigh*

Isa pa lang yun, iyak na iyak na ko. Dadaanan ko pa sa kwarto sina Nini.

Pumasok naman ako ngayon sa kwarto ni Chu.

Mahimbing pa din ang tulog nya. Maaga pa naman kasi alas sais pa lang ng umaga.

Lumapit ako sakanya. Ang ganda rin talaga neto ni Chu e no. Para syang prinsesa kung matulog. Nakahawak sa unan nya yung mga kamay nya, malapit lang sa mukha nya kaya hinawakan ko yung kamay nya at naupo ako sa gilid nya.


"Chu, nangako ako kay Kuys na hindi ko hahayaan na mag isa ka at malungkot ka kaso mukhang hindi ko matutupad yun ngayon e. Pero sana pag alis ko, hindi ka malungkot kasi malulungkot din ako kapag naiisip ko e. Salamat ha, kasi dahil sayo naramdaman ko na may kapatid ako, mas matanda ka nga kaso mas isip bata ka naman. Pero okay lang kasi sobra ko naman naeenjoy yung presensya mo pag mag kasama tayo. Chu, pasayahin mo sila Chaeyoung at Nini habang wala ako ha? At mag iingat ka palagi. Wag kana rin mag lalakad sa gabi. Mas lalo lang akong mag aalala sayo. Chu mamimiss kong asarin ka, mamimiss ko yung mga kalokohan natin. Mamimiss ko yung mga hampas mo." Sabi ko at naluha. Pinusan ko yun agad at kinalma yung sarili.

"Sige na Chu. Kailangan ko na umalis. Hindi na kita gigisingin kasi mas mahirap umalis ng makita kang umiiyak e." Sabi ko at hinalikan ko din sya sa noo bago ako lumabas ng kwarto nya.


Huminga ako ng malalim bago pumasok sa kwarto ni Nini. Eto na ang pinaka mahirap. Mag paalam sa taong mahal ko.

Lumapit ako sakanya at umupo sa sahig sa tapat ng mukha nya. Tinitigan ko lang muna sya. Tapos ngumiti ako.

I love this girl. I really love this girl.

"Nini, goodmorning. Pasensya na kasi hindi na kita gigisingin. Ayoko kasing umalis ng umiiyak ka. Saka baka mag backout ako kapag pinigilan mo pa ko e. Nasabi ko naman na sayo lahat kagabi. Gusto ko lang makita mukha mo bago ako umalis. Isang natutulog na anghel, napakaganda. Mamimiss ko to." Sabi ko at tumayo na. Niyakap ko sya tapos kiniss sa lips.

"I love you Ruby Jane. Aalis na ako ha?" Bulong ko at hinalikan ko sya ulit bago ako tuluyang lumabas ng kwarto nya.




"Ano, tara na?" Tanong ni Manager X. Kanina pa kasi sya andito at inantay nya lang akong makapag paalam kina Nini bago kami umalis. Tumango nalang ako kasi nawawala na yung lakas ko para mag salita.





I see you see me (JENLISA fanfic)Where stories live. Discover now