Chapter 34: SPY

2.6K 46 1
                                    




JENNIE's POV

"Saan kayo galing?" Bungad samin ni Chaeng. Kakauwi lang kasi namin galing sa Military Academy.

"Kay Limario." Sagot ni unnie.

"What?! Bakit hindi nyo ko sinama?! Huhuhu." Gulat na sabi nya.


"Wala ka kasi kanina e." Sabi ko.

"Tsaka maiinis ka lang din kung sumama ka." Sabi ni unnie at naalala ko nanaman yung nakakainis na babaeng yon. Tss!

"Bakit anong nangyare?" Tanong ni Chaeng.

"Mag papahinga na ako." Sabat ko. Ayoko na kasi pakinggan yung usapan nila tungkol dun. Tss.


Pumunta ako ng kwarto at nahiga. Mukha namang nag eenjoy si Lisa don. Tss! Bahala sya sa buhay nya, ayoko na sya puntahan don. Sayang lang effort ko kung may haliparot naman syang laging kasama. Tapos may gusto pa sakanya! Hays! Nakakainis!


Tama nga si Unnie, may ibang aangkin sakanya kung di ko sya aangkinin. At yung malanding haliparot na yun feeling kanya si Lisa. Ang kapal!

Nakakagigil sya!

--

Pangalawang araw na mula nung huling kita ko kay Lili. At okay na ako ngayon, miss ko pa din kasi sya. Hay. Nag aayos na ako para bisitahin sya ulit. Gusto ko syang isurprise. Isurprise ko at sasabihin kong sakin sya, officially kami na. Hihi. Hindi na ako makapag hintay sa magiging reaksyon nya. Sigurado ako magugulat yun. Sabi pa naman ni Manager Y sakin, malungkot daw si Lili mula nung inaway ko sya. Lagi lang daw nasa kwarto pag tapos ng training.

Sa tingin ko naman iniiwasan nya yung haliparot na yun kasi ayaw nyang magalit ako. Good Lili ko, kaya wait ka lang at nag papaganda pa si Nini mo. Hihi.






Pag tapos ko mag ayos, bumaba na ako. Nasa GYU kasi sina unnie at Chaeyoung dahil may inaasikaso sila.


"Tara na Manager X." Masayang aya ko sakanya.

"Okay. Mukhang good mood na good mood ah?" Pansin ni Manager.


"Syempre." Nakangiting sabi ko habang palabas na kami.

"Ikamusta mo na lang ako kay Lis. Kayo lang ang pwedeng pumasok sa loob e." Sabi nya ng makasakay kami sa sasakyan.

"Okay Manager. Walang problema." Masayang sabi ko.


Nasa byahe na kami at pakanta kanta lang muna ako sa sasakyan ng may tumawag sakin.


"Hello?" Bungad ko.

"Jennie. Jennie puntahan mo kami dito sa Hospital malapit sa GYE." Sabi ni unnie.



"Bakit unnie?! Anong nangyare?" Kinakabahan na tanong ko.



"Si Chaengie kasi napaaway. Napuruhan kaya nag aalala na ako hindi pa kasi sya nagigising." Nag aalalang sabi ni unnie na ikinabigla ko din.


"Oo sige unnie. Papunta na ako." Sabi ko at pinabalik si Manager para puntahan si Chaeng.





Pag dating namin sa hospital dali dali naman akong pumunta kay unnie.

"Unnie, anong balita kay Chaeyoung ah?!" Nag aalalang tanong ko.

"Okay naman sya. Kaso hindi pa din sya nagigising. Lumabas muna ako para intayin ka." Sabi nya.


Tumayo na kami at pumasok sa loob ng kwarto ni Chaeng.



"Ano ba kasing nangyare? Bakit napaaway sya?" Tanong ko.

I see you see me (JENLISA fanfic)Where stories live. Discover now