Chapter 76: Third wheelsé

2.1K 43 5
                                    


JENNIE's POV

"Arigato! Arigato! Arigato!"


"Aish! Lisayaaa." Iritang sabi ko habang nakapikit. Natutulog kasi ako ng may marinig akong paulit ulit na nag sasabi ng arigato sa tabi ko. Naramdaman ko naman yung pag bigat ng unan na nakapatong sa dibdib ko. Dinilat ko ng kaunti yung mga mata ko at pag mumukha ni Lisa yung bumungad sakin. Nakapatong pala sakin ang loko.


"Sorry baby." Sabi nya at hinalikan ako sa labi.

"Sino ba yang kausap mo?" Tanong ko. Napansin ko kasing hawak nya yung phone nya.


"Ah, si Momo. Nag facetime kami nung nalaman nyang nasa Japan tayo." Nakangiting paliwanag nya. Nandito kami ngayon sa Japan para mag perform, sa Summer Sonic 2019.

"Oh? Bakit daw?" Tanong ko. Bakit naman sya ifefacetime ni Momo? Ano naman sakanya kung nasa hometown nya kami aber? Kakagising ko lang tapos may ibang babae nanamang kausap tong unggoy na to!


"May pinakiusap lang sya sakin na bilhin para sa mother nya. Tapos sabi nya ibibigay nya daw sakin yung samurai nya na nasa dorm nila." Sabi nya at umupo ng maayos sa kama. Nagulat naman ako sa sinabi nya.

"Sa-samurai?" Nag aalangang tanong ko.


"Yes baby! Imagine, pag binigay nya sakin yun para na akong isa sa mga japanese legends. Mag susuot ako ng kimono tapos bibili ako ng saging, hmm ano pa ba?" Sabi nya habang nakahawak yung isang kamay nya sa baba nya.

"Melon." Napatingin naman ako sa dalawang melon ko at pinag cross ko yung mga kamay ko sa dibdib ko.

"At watermelon! Tapos pag tatagain ko sila gamit yung samurai!" Masiglang sabi nya habang dinedemo kung paano nya hawakan yung samurai.

Napaupo naman ako.

"Subukan mong paglaruan yon, gigilitan ko yung leeg mo gamit yung samurai!" Inis na sabi ko sakanya. Paano nalang kasi kung sa pag lalaro nya non mapahamak sya, masugatan o ano. Aish! Isip bata naman kasi masyado.


"Hehe. Sabi ko nga ididisplay ko nalang yun sa wall ng kwarto ko." Sabi nya at ngumiti ng alanganin.


"Good." Sagot ko at nahiga ulit. Nag phone nalang sya sa tabi ko.


"Nini, nag chat sa group natin si Chu. Prepare na daw tayo." Paalala ni Lisa at nag start na kami mag ayos.





After ng performance namin...


"Girls, let's watch other performances." Sabi ni Chaeng. Nandito na kasi kami sa backstage at nag papalit na ng mga damit.

"Pass muna ako. Maaga flight ko bukas." Sabi ni Unnie habang nag bubutones ng blouse nya.


"Okay Chu. Ingat sa byahe pabalik ng sokor. Chaeng go ako, nood tayo bago bumalik sa hotel." Nakangiting sabi ni Lisa na nakatingin sa salamin at nag aayos ng buhok.


"Game din ako." Sabi ko, syempre di ako papayag na Chaelisa lang.



"Matchy matchy!" Sigaw ni Lisa na palapit sakin ng nakangiti ng malapad. Napansin ko naman yung suot nya. Naka sleeveless croptop sya at naka white high waisted jeans. Same lang halos sa suot ko. Paired with the same white sneakers din.


"Third wheel na third wheel labas ko neto ah." Nakapout na sabi ni Chaeng. Natawa naman kami ni Lisa.


"Okay lang yan Chipmunk. Sanay kana naman saming dalawa." Sabi ni Lili at inakbayan si Chaeng.

I see you see me (JENLISA fanfic)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora