Chapter 59: NEW YEAR, NEW PROBLEM

2.4K 32 0
                                    



JISOO's POV

"Oh jendeukie, san punta mo?" Tanong ko ng makitang pababa si jendeuk. Naka bihis kasi sya.

"Pinapatawag ako ni Principal Gyu." Sagot nya.

"Gantong oras??" Tanong ko. Gabi na kasi at umuwi na din si Manager.

"Oo. Pinasundo nya naman ako." Sagot nya.

"Kanino?" Tanong ko.

"Hindi ko rin alam e. Sabi nya lang, iintayin ako sa parking." Sabi nya. Hmm, bakit sa sagot nyang yon hindi nya ako matignan ng maayos?

"May hindi ba ako alam jendeuk?" Tanong ko.

"Wala unnie. Totoong si Principal Gyu ang pupuntahan ko." Sabi nya, ngayon nakatitig naman sya sakin kaya naniwala na ako.

"Nini? Aalis ka?" Tanong ni Limario habang pababa ng hagdan.

"Oo. Pupunta ako kay Principal." Sagot nya.


Narinig naming tatlo yung pag tunog ng phone nya kaya tinignan nya yun agad.

"Sige na. Andyan na daw yung sundo ko. Aalis na ako. Matulog na kayo. Wag nyo na akong antayin." Sabi nya habang palabas ng dorm.


"Ingat ka Nini." Sigaw ni Limario.

"Parang may iba talaga e." Bulong ko at nag lakad na papuntang kwarto.

"Iba saan?" Tanong naman ng kasunod ko.

"Wala. Matulog kana. Wag mo ng antayin si Jendeukie." Sabi ko sakanya. Sumunod naman sya kaya wala ng nang istorbo sakin.

Ilang buwan na din ang nakalipas. Lumabas na yung solo ni Jendeuk at sobrang happy namin para sakanya. Sobrang ganda nung song at kita namin na good yung mga feedbacks na dumadating. Maagang Christmas Gift to samin at sa GYE.

Kinabukasan, pumunta akong GYE para kausapin si Kiel tungkol sa rehearsal namin na icancel muna dahil may sakit si Limario ngayon. Hindi lang nakauwi ng maaga si Jendeukie kagabe dahil kay Principal Gyu nag kasakit na agad.

"Oh jisoo, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Manager Y.


"Kakausapin ko lang si Kiel. May sakit kasi si Limario." Sagot ko.

"Ah okay. Si X ba kasama mo?" Tanong nya.

"Yes Manager." Sagot ko.

"Sige. Pag tapos mo kay Kiel, umuwi kana agad. Tapos wag muna kayo lumabas. Mas okay kung mag stay muna kayo sa dorm." Sabi nya.

"Bakit??" Naguguluhang tanong ko.

"Basta." Sabi nya.

"May problema ba? Sabihin mo Manager." Nag aalalang tanong ko.

"Hmm, may bagong dating scandal sa GYE. Nasa office ni CEO Gyu yung head ng isang news agency para makipag negotiate." Paliwanag nya.

"Kaninong scandal??" Tanong ko.

"Hindi ko pa din alam." Sagot nya.

"Okay. Punta na ako kay Kiel. Balitaan mo ako kapag nalaman mo." Sabi ko at pumunta na sa studio namin.

"Kiel, pwede icancel muna yung 3 days rehearsals natin? May sakit kasi si Limario. Napag desisyunan namin nila Jennie na intayin nalang sya gumaling." Pag paliwanag ko.

"Ganun ba? Hmm, sige. Tutal magulo pa ngayon dito tungkol dun sa kumakalat na dating scandal. Pakisabi nalang sakanya mag pagaling agad." Seryosong sabi nya.

I see you see me (JENLISA fanfic)Where stories live. Discover now