Chapter 38: SISTER'S LOVE

2.7K 40 0
                                    



JISOO's POV

Pag gising ko, agad akong nag check ng messages. At ng makita ko pangalan ni Jendeuk, dali dali ko yung tinignan. Hindi kasi sya nag paparamdam sakin pag tapos namin mag away.


FROM: JENDEUKIE

Jichu unnie! Sunduin mo ko dito kila Mama. Dapat exactly 10am nandito kana.



Napaupo naman ako, e 9am na. Isang oras nalang. May byahe pa. Ayshuuu Jendeukie!

*bzzt bzzt

Nag vibrate phone ko kaya tinignan ko yun agad.


FROM: JENDEUKIE

Wear the shirt I gave.

"Oh my! Nasaan na nga ba yon??" Natanong ko nalang at nag madali ng hanapin yung damit na sinasabi ni Jendeukie.


Nung nahanap ko na, naligo na ako agad at nag ayos.

"Time check. 9:30" sabi ko nung makita yung oras.


"Chuuu! Gising na umag--oh!" Sabi ni Limario ng biglang bukas nya sa pintuan ng kwarto ko.


"San ka pupunta?" Tanong nya ng mapansin na nakabihis ako at nag aayos.


"Date." Biro ko.

"Wow. May date." Nakangiting sabi nya at naupo sa kama ko.

"Hulaan ko, rabbit yan no." Sabi nya habang hawak yung stuffed toy ko na pink na rabbit.


"Bitawan mo nga yan." Inis na sabi ko.


"Pink... tapos Rabbit. Hmm? Si Bobby to?!" Gulat na sabi nya.

"Hindi ah!" Pag sisinungaling ko.


"Hahaha! Huli na kita Chu. Si Bobby tong Byby mo." Natatawang sabi nya.



"Heh! Ang cute cute ni Byby ko, ang layo naman sa panget na si Bobby no." Pag susungit ko.


"Hay nako Chu. Kailan ka kaya aamin?" Pang aasar nya at tumayo na.


"Lumabas kana nga." Sabi ko. Tinawanan nya lang ako at lalabas na sana sya sa pintuan.


"Limario!" Pigil ko sakanya.


"Oh? Aamin kana?" Pang aasar nya pa din.


"Tigilan mko. Kesa nang aasar ka dyan, tawagan mo nga si Manager X. Sabihin mo sunduin nya ako dito." Utos ko sakanya.



"Kanina pa sya nandyan sa baba. Inaantay kana daw ng date mo. At konti nalang daw mayayare kana sa date mo. Hahaha." Sabi nya.


"Ayshuu!" Sabi ko at kinuha na yung bag ko.


"Takot ka pala kay Bobby ah." Natatawang pang aasar nya. Hindi ko na sya pinansin at tumakbo na pababa.



"Jisoo, ang tagal mo ah." Biro ni Manager X.


"Sensya na Manager." Sabi ko lang at inaya nya na akong umalis.



"Malalagot ako kay Jen nito e." Sabi ni Manager.


"Bakit?" Tanong ko.


"Ang usapan namin before 10 nandun na tayo." Sagot nya.



"Mukhang bad mood si Jendeukie." Sabi ko. Hindi naman kasi ganyan yan si Jendeuk pag may inuutos kay Manager.


--

I see you see me (JENLISA fanfic)Where stories live. Discover now