Chapter 62: TRY MY BEST

2.5K 46 1
                                    



JENNIE's POV

Pag dating namin sa next stop for our concert, nag paalam kami ni Lili kay Principal Gyu na lalabas muna para mag ikot ikot. Nung una hindi pa sya pumayag pero pinilit ko sya. Nasa malayo naman kami at madami ring bodyguard at pinangako ko din na mag iingat kami sa mga galaw namin para hindi na kami maissue.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Lili.

"Mag dedate." Sagot ko. Nag lalakad lakad kami at nag hahanap ako ng pwede naming kainan ng dinner. Late dinner na nga kasi late na kami nakarating.


"Bakit hindi nalang sa hotel?" Tanong nya.

"E gusto ko masosolo kita. Ngayon na nga lang ulit tayo mag dedate hindi ka pa papayag." Sabi ko at nag pout.


"Nag papacute ka pa dyan. Sige na, pumili kana ng restaurant na kakainan natin. Gutom na ako." Sabi nya at sabay na kaming nag lakad. Ganyan sya sumagot kasi pa hard to get pa rin ang lolo nyo este si Lili. Sinusubok nya talaga ang kaweetan ko, tong babaeng to talaga. Kung di ko lang to mahal, di ko ipapakita yung gantong side ko e. Kaso mahal na mahal ko to kaya push natin yan!

"Uy? Tulala ka? Lalamig na yang pagkain mo." Sabi ni Lili na nakapag pabalik sakin sa earth. Kumakain na pala kami ngayon. Sa isang Italian restaurant kami pumunta. Gusto lang namin itry kung mas masarap dito kesa sa branch neto malapit sa GYU.

"Pero mas masarap kung sa Italy siguro talaga." Sabi ni Lili.

"Okay naman yung lasa ah?" Tanong ko.


"Pero parang mas masarap ka." Biro nya na may pag kindat pa. Tumawa ako at nakisakay.


"Gusto mo ba? Mamaya sa hotel room ko?" Tanong ko.


"Sige pa, konti nalang maniniwala na ko." Natatawang sabi nya.


"Ayaw mo bang tabi tayo matulog?" Tanong ko.


"Nakapag sabi na kasi ako kay Chaeng na manunuod kami ng cartoons mamaya e." Sagot nya. Nalungkot naman ako. Iniiwasan nya nanaman ba ako??

"Pero kung gusto mo, ibigay mo sakin pass code mo para dumiretso ako pag tapos namin manuod." Nakangiting suggestion nya. Napangiti rin ako.


"Sa room mo nalang ako mag iintay. Iwan mo din yung phone mo kasi mag checheck ako ng mga pictures." Sabi ko.



"Okay. Siguro mag bibigay kana naman ng hints sa blinks ah." Pag huli nya sa plano ko. Tinignan ko sya ng nakakaloko.


"Mababaliw nanaman sila kakaisip." Natatawang sabi nya.


"At ichecheck ko rin kung may mga lumalandi sayo." Sabi ko at sinamaan sya ng tingin.


"Madami naman talagang lumalandi sakin Nini, dapat ang tanungin mo kung may iba pa ba akong nilalandi." Sabi nya.


"Oo madami, ako, si chaeng, si unnie, yung mga babaeng pinupusuan mo sa social media tapos yung mga kababata mo sa thailand. Oh ano? Di ba totoo?" Pambubuko ko.


"Hahaha! Selosa talaga Nini ko. Ginagawa ko lang naman yun kay Chaeng at Chu dahil request ng mga blinks e. Tapos yung sa social media at yung--" hindi ko na pinatapos yung sasabihin nya, nag salita na ako.


"Hep! Hep! Hep! No explanations. I know naman. Hindi ko lang maiwasan mag selos. Tapos binansagan ka pang International Playgirl ng mga blinks. Tuwang tuwa ka naman." Sabi ko na ikinatawa nya ng malakas. Pero nag takip sya ng bibig agad ng marealize na nasa restaurant nga pala kami.



I see you see me (JENLISA fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon