Chapter 64: THE WEDDING

2.6K 32 2
                                    




JENNIE's POV

Nakauwi na kami. Dito kami ngayon sa dorm namin para mag beauty rest kasi bukas may big day na magaganap!! Yes! Ikakasal na si Kuys sa long time girlfriend nya. I'm really happy for the both of them.

Puntahan ko muna si unnie. Dun nalang ako mag papalipas ng gabi. Gusto ko syang makatabi. Nakakamiss matulog kasama sya ih. Pag bukas ko ng pinto nagulat ako sa bumungad sakin. Si Lisa na nasa harapan ko.


"Oh? Pupuntahan mo ba ako? Dito na tayo sa kwarto mo matulog." Nakangiting sabi nya.


"Lisa, sabi mag beauty rest hindi mag pakapagod." Pangunguna ko.


"Anong pakapagod? Green huh. Gusto lang naman kita katabi." Sabi nya tapos nag smirk pa ang loko. Kala nya naman papayag ako? Mangungulit lang naman sya buong gabi, di ako berde. Hay.



"Heh. Bumalik kana sa kwarto mo. Kay unnie ako matutulog." Sabi ko at lumabas na ng kwarto.


"Baka nandun si Chaeng. Wag mo na istorbohin." Bulong nya. Akala nya naman mapipigilan nya ako.


"No Lisa. Pupuntahan ko si unnie kung kelan ko gusto kahit sino pa nandun." Sabi ko at nag lakad na papunta sa pintuan ni Unnie.



"Jennieyaaaa. Paano naman akoooo?" Nag pout pa ang loko.


"Mag tabi muna kayo ni Kuma." Sabi ko at nag peace sign. Pumasok na ako sa kwarto ni unnie. Nakahiga na sya sa kama nya. Mukhang tulog na ah? Hmmm.

Lumapit ako at naupo ako sa tabi nya.


"Unnie." Gising ko sakanya pero parang mahimbing na ang tulog ni unnie. Syempre sino ba naman ang hindi excited na makitang ikasal ang kapatid nya?


"Unniiie." Sabi ko kasabay ng mahinang yugyog.



"Hmmm." Kumilos sya.



"Unnie." Tawag ko ulit. Dumilat naman sya at humarap sakin. Ang ganda talaga ng mata ni unnie kahit bagong gising napakaganda nya.


"Bakit?" Tanong nya. Ngumiti ako at sumiksik sa gilid nya.


"Tabi tayo?" Nakangiting tanong ko.


"Uggh. Jendeukieeeee! Ginising mo pa ako para sabihin yan? Alam mo naman na pwede kang matulog sa tabi ko kahit di mo na ko iinform eeeeh. Nag papahi--" hindi nya natapos yung sasabihin nya ng mapansin akong nakahiga at nakapikit sa tabi nya.


"Aish? Tingnan mo to, gigising gisingin mo ko tapos tutulugan mo rin ako? Galing talaga. Pasalamat ka mahal kita e. Kung hindi, hinagis na kita sa labas e." Sabi nya. Nag panggap kasi akong tulog para hindi na sya manermon. Hihihi.


"Hay. Sige na. Tulog ka lang dyan. Goodnight Jendeuk." Sabi nya at inayos na rin yung higa para matulog.



"Goodnight unnie." Sagot ko at nakatulog na nga ako.

--

Nagising ako kasi parang may mabigat na nakapatong sa hita ko. Hindi naman kasi ganun si unnie matulog e. Dinilat ko yung mata ko. Nakita ko si unnie na nakaupo at parang problemado.

"Unnie?" Tawag ko sakanya. Nilingon nya naman ako. Yung itsura nya hindi ko maipinta. Kaya naupo ako agad. Akala ko nanaginip sya ng hindi maganda pero mas malala pa pala don.

Nagulat ako sa nakita ko. Si Lisa at Chaeng tulog na tulog sa paanan namin.


"Natiis nila matulog dyan?" Tanong ko. Isipin mo, ang hahaba nila tapos natulog silang nakabaluktot sa ibabang parte ng kama ni unnie.

I see you see me (JENLISA fanfic)Where stories live. Discover now