Chapter 6: NOT BAD

3.9K 66 0
                                    



JENNIE's POV

Papunta ako ngayon sa Queens Hideout. Pinapapunta daw ako ni Principal Gyu sabi ni Ford. Ano nanaman kaya iuutos nya sakin ngayon? Ganito kasi lagi nangyayare kapagg si Ford ang inuutusan nyang tawagin ako.

"Ate, bakit ang seryoso ng mukha mo?" Tanong nya sakin. Bata pa si Ford. Freshman pa lang sya ngayon. Pero, close na kami mula pa nung bata sya. Ako lang kasi ang laging nakakasama nya kapag sinasama sya dito ni Principal Gyu noon.

"Iniisip ko kung anong weird na utos nanaman ng Daddy mo." Natatawang sabi ko. Natawa naman sya.

"Narinig ko kanina ang sabi nya gusto nyang kumain e. Tapos may hindi ako naintindihan sa sinabi nya tapos tinawag nya na ako para iexcuse ka.

"Si tatang talaga oh!" Pailing iling kong sabi.

"Sensya na ate ha? Ginagawa ka nyang utusan. Hmm? Kung gusto mo ako nalang gagawa ng utos nya. Sabihin mo sakin kung ano tapos intayin mo nalang ako makabalik tapos ikaw na ang mag bigay." Mahabang sabi nya.

"Hindi na Ford. Kaya ko naman, tsaka hindi ka pwedeng mag cutting okay? Lagot ka sa Daddy mo nyan." Sabi ko sakanya.

"Opo ate." Sabi nya nalang at pumasok na kami sa hideout.

"Good afternoon Principal Gyu." Bati ko.

"Maupo ka." Sabi nya. Kala mo talaga ang importante ng sasabihin e.

"Kamusta naman ang mga bagong classmate nyo?" Tanong nya at sumandal.

"Binully lang naman nila sina Chaeyoung at Limario." Naiinis na sabi ko.

"Oh? Haha. That means it works." Masayang sabi nya. Nag taka naman ako.

"Jennie, tignan mo nakukuha na nila ang atensyon ng mga kaklase nila ngayon. Ang kwento sakin ng mga prof nila e hindi daw nag sasalita yang dalawa nayan para makipag kaibigan." Paliwanag nya.

"Kayo lang ni Jisoo ang naging kaibigan nila dito sa GYU. Maski ang isa't isa di nila kilala e." Dagdag nya pa.

Talaga? Wala silang friends dito sa school? Ganon na nga talaga kahirap maging friendly sa freshman years. Haaaays. Buti nalang kakapasok pa lang ng pangalawang taon nila nakilala na namkn sila agad. Never na silang magiging loner.

"Nga pala, Jennie. Nakarating sakin na pinag bantaan mo daw ang sophomores kanina. Napakagaling. Dahil dyan sa ginawa mo kakalat yan sa buong GYU at anong iisipin nila sayo? Napakabuting tao!" Sarkastikong sermon nya. Napayuko nalang ako.

"Naiistress ako sayo Jennie! Ang sakit ng ulo ko. Parang gusto ko ng kimchi stew saka ng sushi." Sabi nya tapos nag labas ng sobre. Nag poker face lang ako.

"Gusto ko yung dun sa favorite kong restaurant sa mall ha? Alam mo naman yon." Sabi nya tapos ngumiti. Grabe tong si tatang! Kanina pinapagalitan ako tapos eto magpapabili lang pala. Tsk.

"Opo." Matamlay na sabi ko tapos kinuha na yung sobre.

"May sobra dyan. Pang kain at pang shopping mo." Sabi nya at kumindat.

"Talaga Paps?!" Hindi makapaniwala kong tanong. Tumango naman sya.

"Thank yooouuu!" Masayang sabi ko at nag flying kiss sakanya.

"Sige na umalis kana. Gutom nako." Sabi nya at tinataboy na ako.

"Okay Paps." Sabi ko at kumaway.

"Take care anak." Rinig ko pa bago ko maisara yung pinto.

Nakangiti akong nag lakad papuntang parking lot. Si Principal kasi tatay tatayan ko na yan noon pa, kaya si Ford parang kapatid ko na din. Pangalawang pamilya ko na talaga sila dahil dito naman ako nag lalagi.

I see you see me (JENLISA fanfic)Where stories live. Discover now