Chapter 50: DATE

2.3K 39 2
                                    




JISOO's POV

"Limario, thank you dun sa pinadeliver mong pizza kanina ah." Sabi ko habang nag huhugas ng pinagkainan namin.


"Wala yun Chu." Sabi nya at nilagay pa yung ibang hugasan sa gilid ko.


"Chu." Bulong nya saka pinatong yung baba sa balikat ko. Napatingin ako sakanya, kaso wrong move kasi halos mahalikan ko na sya sa sobrang lapit ng mukha ko sa mukha nya.

"Date tayo." Seryosong sabi nya. Iniwas ko agad yung tingin ko.

"Ano nanamang naisipan mo?" Tanong ko.

"Gusto ko lang mag date tayo. Masama ba yun?" Tanong nya at inalis na yung pag kakapatong sa balikat ko.

"Ang liit mo, nangangawit ako." Sabi nya.

"Sinabi ko bang ipatong mo baba mo sa balikat ko?" Asar na sabi ko.

"Hindi. Pero ano na, date nga tayo mamaya." Pag balik nya nanaman sa topic.


"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.

"Papasyal nga." Sagot nya.

"Pupunta ako ng GYU mamaya e." Sabi ko ng maalalang may aasikasuhin nga pala ako.


"Edi pag tapos. Sasamahan na kita don." Sabi nya.

--

Nandito ako ngayon sa loob ng hideout. May mga papeles akong inaayos. Yung mga pasaway sa University na ililipat ng section. Hays. Hirap maging SC Vice President minsan e.

"Chu, matagal pa ba yan?" Tanong ni Limario na nasa labas ng pinto. Pinag bawalan na kasi ni Principal Gyu na pumasok sa loob yung hindi naman SC.

"Lis? Ba't nasa pintuan ka?" Tanong ng isa sa Sergeant at Arms namin.

"E kasi bawal daw pumasok sabi ng Vice President nyo." Sabi ni Limario.




"Sus. Ako bahala sayo. Tara sa loob." Sabi nya at pumasok na sila.


"Buti nalang nandito si Bobby." Sabi ni Limario at naupo sa sofa.

"Mapapagalitan nanaman ako ni Principal neto e." Sabi ko.

"Akong bahala kay Lis. Gawin mo lang inutos sayo. Wag mo problemahin to, Pink." Sabi ni Bobby at nag kalkal sa drawer ng lamesa.

"Hinahanap mo?" Tanong ko.

"Yung ililipat ng section sa section namin." Sagot nya at tuloy lang sya sa pag kalkal.


"Dito ko lang yun nilagay e." Sabi pa nya.


"Ang alin?" Tanong ng kakarating lang na si Ford.


"Teka, bawal daw pumasok pag di officer." Sabi ni Limario.

"Haha. Sorry Noona, Escort ata to." Sagot ni Ford at nag pogi sign.

"Ay ganun ba? Haha. Sorry naman, tagal ko ng di nakakapunta dito e." Sagot nya. Maski nung nandito pa naman sya wala na syang pakialam sa paligid nya e. Haha.


"Sayang. Si Chaeng pa naman ang gusto ko maging muse." Malungkot na sabi ni Ford.

"Wag kana umasa, ako nga di na umaasa e." Sabay ni Rabbit. Tinignan ko sya.


"Bakit Vice President, wala ba syang pag asa sayo? Binasted mo na din ba sya?" Tanong ni Ford sakin na ikinailang ko.


"Hindi pa. Wag nyo na muna tanungin kung gusto nyo pa ng chance. Hahaha. Makinig kayo sakin. Ako lang may lovelife dito." Proud na sabi ni Limario.

I see you see me (JENLISA fanfic)Where stories live. Discover now