Chapter 40: BASKETBALL

2.9K 45 2
                                    




39 BASKETBALL

JENNIE's POV

Pag labas namin ni Lili nakasalubong namin si Ford.


"Noona. Buti nalang nakasalubong kita. Pinapatawag ka pala ni Papsi." Sabi nya.

"Ngayon na?" Tanong ko. Tumango sya.


"May meeting daw kasama si President Yan." Sabi nya.


"Kailangan talaga present si Jennie?" Medyo inis na tanong ni Lili. Natawa naman ako kasi alam kong bitin sya sa kung ano man nangyare kanina sa hideout kaya ganyan sya ngayon.



"Yes noona. May important announcement daw si Principal Gyu." Sagot ni Ford.

"Sige na Lili. Mauna kanang umuwi. Sasabay na lang ako kay Ford." Sabi ko. Sinimangutan nya ako.

"Okay." Sagot nya lang at sabay na kaming lumabas.

Pag tapos ng meeting tungkol sa show sa GYU sa susunod na araw at sa ilang ganap sa GYU ay pinaalis na ako nung dumating si Mr. CEO.


"Kain muna tayo?" Tanong ni Ford.


"Sige. Gutom na rin ako e." Sabi ko at pumunta na kami sa canteen.


"Si Lis--" Tinakpan ko yung bibig ni Ford.

"Shh. Tara na. Di na ko gutom." Sabi ko at hinila na sya palayo.



"Bakit di mo tinawag si Lisa?" Tanong nya.


"Busy sya. Uuwi na ko Ford. Hayaan mo na syang umuwi mag isa. Malaki na yan!" Sabi ko. Bahala sya sa buhay nya. Uuwi na ko.

Pumasok ako sa kotse ni Ford at nanahimik lang. Hindi nya na ako ginulo kasi alam nyang wala ako sa mood.


--

LIMARIO's POV

Pag labas namin ng hideout, nag lakad lakad na muna ako sa hallway para dumaan sa room namin dati. Nakita ko yung mga bully na nang away samin noon. Hanggang ngayon ang sama pa din ng tingin nila sakin. Ganun nalang yung galit nila sakin, e wala naman akong ginawa sakanila.



"Hey long legs!" Napalingon naman ako sa nag salita.

"Oh Tzuyu." Bati ko sakanya.

"Long time no see." Nakangiting sabi nya.


"Kamusta naman pag susundalo mo?" Pabirong tanong nya.



"Masaya. Nag enjoy ako sobra." Sagot ko. Nag lakad na kami sa hallway.

"Hmm, may alam ako. Pero tara na muna sa cafeteria. Dapat nililibre mo ako ngayon e." Sabi nya.


"Okay, tutal magkaibigan naman tayo e." Pag sang ayon ko at pumunta na kami sa cafeteria.


Pag dating namin don, pumunta na agad ako sa counter para umorder.

"Dalawang strawberry frappe--" Pag order ko na sana kaso may nag salita kaya napalingon ako.


"Make it three." Sabi nya.


"Yeri, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.


"Umupo kana don. Mamaya mo na ko interviewhin, oorder muna ako okay?" Sabi nya sabay kindat.


"Pero--" Mag sasalita na sana ako kaso iniharap nya ako patalikod.


"Puntahan mo na si Tzuyu. Ako ng bahala sa foods." Sabi nya at tinulak na ako palayo.

I see you see me (JENLISA fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon