Chapter 45: BLACK AND WHITE COUPLE

2.7K 48 9
                                    


JENNIE's POV

Ilang araw na nakakalipas mula nung makita ko si Oppa na si Jackson pala.

Pero ang problema ko bakit parang hindi ko sya kilala? I mean, hindi katulad dati na crush na crush ko sya, parang ang tagal na naming mag kakilala.

"Jennie unnie, may problema ba?" Tanong ni Chaeng at naupo sa tabi ko.

"Paano kung yung pinangako mong pakakasalan mo noon, hindi mo na matupad ngayon?" Tanong ko.

"Unnie, bata ka pa naman noon. Hindi mo kailangan tupadin yun kung labag na sa loob mo ngayon. Bakit unnie? May pinangakuan kana ba noon?" Tanong nya.

"Sabi ko lang sa sarili ko, sya yung papakasalan ko pag laki ko. Akala ko hindi na mag babago yun, pero nung nakita ko sya ulit parang wala na akong nararamdaman para sakanya." Paliwanag ko.


"Bakit nandyan kayo?" Tanong ni Lili na kakababa lang galing sa kwarto. Nasa sofa kasi kami.

"Bawal? Sayo tong sofa?" Pang aasar ni Chaeng.

"Hindi. Nag tatanong lang e." Sabi nya.

"Aalis ka?" Tanong ko. Nakita ko kasing nakabihis sya. Naka longsleeves na itim tas jeans at may nakasabit pang coat sa braso nya.


"Oo. Pupuntahan ko yung kaibigan ko. May importanteng sasabihin daw sya e." Sabi nya.

"Sino?" Tanong ko. Mamaya kung kani kanino nanaman to nakikipag kita. Ts.

"Nini, wag ka mag alala okay? Para ko ng kapatid yun. Papakilala ko sya sainyo pag nag karon ng pagkakataon." Sabi nya at hinawakan yung balikat ko.

"Alis muna ako ha?" Paalam nya at hinalikan ako sa pisngi.


"Chaeyoung ah, ikaw na muna bahala dito ha." Sabi nya at umalis na.


"Unnie, your face." Turo ni Chaeng sa mukha ko. Nag bablush talaga ako sa tuwing ganyan si Lili sakin. Same feelings tulad kay Oppa noon. Na kapag pinag kumpara sila ngayon parang mas pipiliin ko si Lili kesa kay Jackson na noon ko pa kilala.


"Parang kilala ko na kung sino gusto mong pakasalan ngayon." Sabi nya. Tinignan ko naman sya.


"Yung nararamdaman ko noon kay Oppa, nararamdaman ko kay Lisa ngayon. Yung kasiguraduhan, yung paniniwala at yung kilig. Parehong pareho. Hindi ko nga yun naramdaman nung nakita ko sya ulit e." Paliwanag ko.


--

*bzzt bzzt*

Agad ko naman chineck yung phone ko.

FROM: +63927*******

Hey, gummy bear. It's Jackson, just wanna invite you on dinner. Are you free tonight?

Pag kabasa ko non, I feel nothing. Hays. Pero, matagal ko na syang gustong makita.

Pupunta ba ako? Makikipag kita ba ako? O dapat sabihin ko muna kay Lili?

Pero naalala ko yung sinabi ni Chaeng sakin kanina bago ako pumunta sa kwarto.

"Try mo muna unnie. Baka kasi naninibago ka lang sa tagal nyong hindi nag kita."

Siguro dapat ngang subukan ko muna bago ako mag desisyon.

Nag reply ako sa text nya at nag prepare na para sa date namin ni Oppa.

Susuotin ko yung binigay nya saking kwintas para alam nyang pinapahalagahan ko yun hanggang ngayon.


--

I see you see me (JENLISA fanfic)Where stories live. Discover now