Chapter 10: MOOD SWINGS

3.4K 71 7
                                    



LIMARIO's POV

Nakalipat na ng kwarto sila Chaeyoung at Chu. Naiwan naman ako dito sa kwarto ni Nini. Di kami nag uusap kasi nag lalaro ako sa phone ko. Tapos sya nasa cr. Mukhang nag reready na para matulog. Ako kasi kanina pa pag labas pa lang nila Chu, nauna na ako sakanya. Nakapantulog na ako.

Napansin ko naman yung pag labas nya sa cr. Napatitig ako sakanya.

"Wow. Nini, ang ganda mo lalo kapag walang make up." Sabi ko. Feeling ko nagiging lalaki ako ng ilang segundo dahil don.

"Di ako naniniwala." Masungit na sabi nya at nahiga na sa tabi ko.

"Totoo Nini. Parang kahit titigan kita ng ganyan araw araw hindi ako mag sasawa e." Sabi ko at humarap ako sakanya.

"Stop it Lili. Hindi mo ako madadaan sa pag ganyan mo." Sabi nya. Ang seryoso nya naman ngayon. Ano ba nangyare sa isang to?

"May problema ba?" Tanong ko.

"Wala. Wala ako sa mood." Sabi nya at tumalikod ng higa.

"Ah. Okay. Goodnight. Mag sleep kana lang muna. Muah!" Sabi ko at nagkiss sa hangin.

Nag tuloy lang ako sa paglalaro. Bigla naman syang umupo at humarap sakin.

"Seriously mag lalaro ka lang?! Wala kang gagawin?!" Naiinis na sabi nya. Nagulat naman ako kaya napatitig ako sakanya.

"W-what??" Naguguluhang tanong ko.

"Hindi pa kasi ako inaantok e." Sabi ko.

"Hindi mo ba talaga magets?!" Naiinis pa ring tanong nya.

"Ang alin? Ano ba kasi yon?" Hindi ko talaga maisip kung anong nangyayare.

"Never mind." Sabi nya.

"Okay." Sabi ko nalang at mag lalaro na sana ulit.

"Get out!" Sabi nya at tinuro yung pinto. Natigilan naman ako.

"Akala mo ba okay na tayo?! May kasalanan kapa sakin! Labas! Dun ka matulog sa sofa!" Sabi nya na parang inis na inis sakin.

"Nini ano bang problema?" Tanong ko. Tinutulak nya na kasi ako palabas ng kwarto.

"Nini your face!" Sabi nya.

"Sorry na. Kahit di ko alam kung ano nagawa ko." Sabi ko pero hindi nya ako pinansin. Nasa pintuan na kami ng tumigil sya.

"Not now Limario. Not now." Seryosong sabi nya. At sinarado na yung pinto.

"Okay Nini. You take a rest now. Goodnight beautiful! Sleep well." Sabi ko sa labas ng pinto. Alam ko naman na rinig nya ako sa loob. Nag antay pa ko ng ilang segundo para sa sagot nya pero di sya sumagot. Aalis na sana ako ng biglang bumukas yung pinto.

"Oh! Kumot tsaka unan! Wag ka mag papakagat sa lamok! GOODNIGHT!" Binato nya sakin yung kumot tsaka unan tapos biglang sarado agad ng pinto. Napatawa na lang ako sa nangyayare.

"Mababaliw ako sayo Nini." Natatawang sabi ko habang napapailing. Bumaba na ako sa sala. Dun daw ako matulog sa sofa e. Oo na masunurin ako sakanya ngayon kasi ang sungit nya.


Inayos ko na yung sofa at nahiga. Nakailang ikot ako pero hindi ako makatulog. Naramdaman ko naman na may bumaba.

"Limario???" Gulat na tanong nya sakin.

"Hey Chu!" Nakangiting bati ko sakanya.

"Bakit nandyan ka?!" Naguguluhang tanong nya.

I see you see me (JENLISA fanfic)Where stories live. Discover now