Chapter 11: PRACTICE

3.7K 55 5
                                    



JENNIE's POV

Nagising akong wala nang kasama sa kwarto. Nasan na sila? Tumayo ako agad at tinignan yung oras. 7:30 pa lang ng umaga bakit ang aga nila nagising? Wala naman kaming morning classes ngayon.

Lumabas ako ng kwarto at nag diretso sa kusina kasi naririnig ko yung kalampagan ng mga gamit namin.

"Bakit kayo natataranta?! Ang aga aga pa." Sabi ko sakanila na ikinatigil nila saglit habang nakatingin sakin.

"Jendeuk. Hindi mo ba nakita?" Takang tanong ni Jisoo unnie habang nag hahalo ng niluluto nyang ulam.

"Ang alin?" Tanong ko.

"Dumaan ka ba sa sala?" Tanong ni Lili habang dala dala yung iba pang pagkain na naluto nila papunta sa lamesa.

"Bakit?" Tanong ko ulit. Puro kasi sila tanong e. Di nalang nila ako diretsuhin.

"Principal Gyu is there." Sabi ni Chaeyoung habang inaayos yung mga utensils sa lamesa. Nanlaki naman yung mata ko.

"Nang ganito kaaga??" Gulat na tanong ko. Tumango silang tatlo. Pati ako tuloy medyo nataranta na, hindi naman kasi nag pupunta dito si Principal Gyu e. Tapos ngayon andito sya? Para saan? Papaalisin nya na ba kami? O may nagawa ba kaming di nya nagustuhan?

"Jendeukie, kumalma ka nga." Sabi ni Jisoo unnie. Alam nya kasing pag natataranta ako natutulala muna ako. Hehehe.

"Oh." Sabi ni Lili na isinubo sakin yung hiniwa nyang apple. Kinain ko naman yun kasi gutom na din talaga ako e.

Nang matapos maiprepare yung table. Tinawag na ni Unnie si Principal Gyu para kumain. Nakaupo na kaming lahat ngayon.

"Goodmorning girls." Panimula nito.

"Goodmorning Principal Gyu." Sabay sabay na bati namin.

"Kaya ako nag punta dito para pag usapan yung mga susunod na hakbang na gagawin nyo." Sabi nya at saka sumubo. Kumain na rin kami dahil sinabi nyang makinig lang kami habang kumakain.

"May naiisip na ba kayong panglan ng grupo nyo?" Tanong nya. Wala naman nag sasalita, parang lahat nag iisip.

"Pag isipan nyong mabuti kung anong magandang pangalan para sa grupo nyo. Balitaan nyo nalang ako kapag napagdesisyunan nyo na." Sabi nya.

"Tsaka isang linggo lang kayo mag stay dito sa bahay. Lilipat na kayo next week." Sabi nya na ikinagulat naming apat.

"Saan kami lilipat Principal?" Tanong ni unnie.

"Wag kayong mag alala kasi yung lilipatan nyo inaayos na ng team GYE. Part pa rin yun ng contract." Paliwanag nya.

Pag tapos namin kumain, at mag ligpit. Pumunta na kami sa sala kasama si Principal Gyu.

"Girls, know your responsibilities. Okay? Wag kayo basta basta gagawa ng ikapapahamak nyo." Paalala nya samin. Tumango naman kaming apat. Alam nyang nakikinig kami kaya okay lang hindi sumagot.

"Mag ayos na kayo kasi mamaya susunduin na kayo ni X dito papunta sa GYE. Mag start na kayo pag usapan yung pag hahati hati ng parts ng mga kanta nyo. Mag dala na din kayo ng mga pamalit baka mag practice na din kayo." Sabi nya. At may ilan pang binilin bago sya umalis.

"Parang gusto ko na din mag karon ng baby." Napatingin naman ako kay Lili. Nakatitig sya kay joohwangie. Nailipat na kasi dito sa bahay yung alaga ni Chaeyoung kaninang umaga lang din.

"Ano naman aalagaan mo?" Tanong ni Jisoo unnie.

"Pusa para kainin si joohwangie." Seryosong sabi nya. Binato naman sya ni Chaeyoung ng unan.

I see you see me (JENLISA fanfic)Where stories live. Discover now