Chapter 73: Happy Face

1.9K 35 2
                                    


JENNIE's POV



"Unnie! Gising na."

"Yaah! Jendeukie!"

Ramdam ko yung pag alog ng babae sakin. Pero wala pa ko sa mood bumangon. Parang umakyat sa ulo ko yung puso ko dahil sa pag pintig ng utak ko ngayon. Aish!


"Hmmmmm. Mamaya na. Inaatok pa ko." Sabi ko at tumalikod ng higa sakanila.


"Unnie, pero kailangan mo ng gumising." Rinig ko pang sabi ni Chaeng. Kaso ang bigat pa ng mga mata ko.


"Wala naman akong schedule ngayon e. Hayaan nyo na muna akong matulog!" Sabi ko at nag taklob ng kumot.


"Aish! Tara na nga Chaeng." Pagkasabi nun ni unnie narinig ko na din yung pag sarado ng pinto ko. Hay! Buti nalang. Makakatulog na ako ng maayos. Tsk! Sabi ko hindi ako iinom ng madami e. Malalagot talaga ako kay Lili neto pag nalaman nya. Sana hindi mag sumbong yung dalawa pag uwi nya.


"Aish! Tumayo kana dyan, lalamig na yung niluto ni Chu."


"Sabi ko mamaya na ako tatayo! Ang dami kong nainom at ang sakit ng ulo ko!" Teka--wait!

Napadilat ako.

"Anong sinabi ko kahapon tungkol sa pag inom ng madami? Aish! Jennie Ruby Jane." Seryosong sabi nya. Shit! Ang lalim ng boses nya pag galit. Nakaka--tsk! Jennie galit na nga kung ano ano pang iniisip mo.

Agad agad kong inalis yung kumot at umupo ako. At don ko nakita yung pinaka maganda na pinaka gwapong nilalang sa buong mundo. Nakaupo sya sa couch paharap sakin. Nakasandal sya sa backrest ng couch, naka crossed arms at naka crossed legs. Seryoso yung mukha nya. Oh my! Ang hot ng Manoban ko.


"Lili? Akala ko ba di ka pa uuwi?" Di makapaniwalang tanong ko. Nananaginip ba ako?

Tumayo naman sya, at nag lakad papuntang pintuan.

"Isusurprise dapat kita kaso mukhang ako yung nasurprise." Sabi nya at lalabas na dapat ng kwarto ko buti nalang mabilis ako at humarang ako sa pintuan. Ngayon mag kaharap na kami. Ang lapit namin sa isa't isa pero seryoso pa din yung itsura nya. Huhuhu. Nakakatakot ka ngayon Lili.


"Wag ka mag pa cute. Hindi ako natutuwa. Amoy ewan ka. Maligo kana at bumaba. Kakain na." Seryosong sabi nya at marahang tinabi ako para makadaan sya.



Napakagat nalang ako sa labi. Lagot ka talaga Jennie Ruby Jane Kim!!


Pagtapos ko maligo at mag bihis, bumaba na ako. Nakita ko sina Chaeng, unnie at Lisa na nasa dining.



"Ouch Lisa!" Sabi ni Chaeng. Pinalo kasi  ni Lili yung kamay nya ng aabutin nya na dapat yung dumpling rice.


"Sabi ko intayin natin si Nini." Inis na sabi ni Lisa. Napangiti ako, kahit na galit sya, gusto nya pa din ako kasabay kumain. Hihi.


"Ang tagal nya, nagugutom na ako." Nag pout naman si Chaeng.


"Kain na tayo!" Sabi ko at naupo katabi si Lisa. Katapat ko si Unnie at katapat naman ni Chaeng si Lisa.



Tahimik lang kaming kumain. Hindi man lang ako kinikibo ni Lili at sina Chaeng at Unnie nag titinginan tapos titingin sakin tapos kay Lisa. Tsaka mag sisikuhan. Naunang natapos kumain si Lisa.


I see you see me (JENLISA fanfic)Where stories live. Discover now