Chapter 74: Grandparents

2.1K 37 2
                                    


JENNIE's POV

"Welcome back sajangnim!" Bati naming JenChuLiChaeng. Nandito kami ngayon sa GYE. Pag tapos kami tawagan ni Manager oppa dimiretso kami dito kasi sabi nya may meeting daw.

Nabalik na pala ulit si Principal Gyu--oopps! Mr. Yang na nga pala ang itatawag namin sakanya. Hihihi.

Yun nga, nabalik na sya ulit bilang CEO ng GYE nung mga nakaraan pa. Ngayon lang kasi namin sya nakita ulit kaya ngayon lang namin nabati. Nung nakaraan kasing nag meeting buong Entertainment sa dami ng artist na umattend hindi na namin sya nakausap.


"Mag si upo na kayo. Pinatawag ko kayo kasi gusto ko lang masigurado kung naisettle nyo na ba yung pinapa asikaso ko sainyo?" Tanong nya habang inaayos yung mga papeles sa ibabaw ng lamesa nya.


"Yes po sajangnim. Actually nung mga nakaraan pa po ako nag papabalik balik sa bahay ng parents ko." Sagot ni Chaeng.

"Okay na din po yung condo unit ko. Na ilipat ko na yung karamihan ng gamit ko." Nakangiting sabi ni Lisa.


"Kakainform ko pa lang po kina Mama kanina." Sagot ni Unnie.

"Good. Ikaw Jen?" Tanong nya sakin. Uhm?

"Uhh, hindi pa ako nakakahanap ng pwede kong lipatan na unit e. Pero sa bahay na muna ako ni Mama uuwi." Sagot ko. Nakalimutan ko kasi asikasuhin yun. Nawala sa isip ko na mag kakalas kalas na nga pala kami. Aish! Jennie, makakalimutin kana ngayon.


"Sige. Bukas ilipat nyo na lahat ng gamit nyo. Para the next day, ichecheck ko dapat empty na yung dorm nyo okay?" Nakangiting sabi ni Sajangnim.


"Ne sajangnim." Sabay sabay na sagot namin.

"Iinform ko din kayo about sa next vlive nyo sa anniversary. Do whatever you want. And expiration ng dating contract nyo. Double celebration yun girls. Luluwagan ko kayo, pero hindi ibig sabihin sosobrahan nyo. Alam nyo pa din yung limitations ng bawat actions na ginagawa nyo. Okay?" Sabi ni Sajangnim habang isa isang nakikipag titigan samin. Mapapalunok kana lang talaga parang kausap nya yung kaluluwa namin e.


"Yes po." Sabay sabay ulit naming sagot. Mga ilang discussion pa bago nya kami idismiss.

"Girls, behave. Okay? Especially jenlisa." Sabi nya na nakapag pakaba samin ni Lili.


"Ye-yes sajangnim." Nauutal na sagot ni Lisa. Saka kami lumabas ng office nya. Nakahinga naman kami ng maluwag.


"Iba talaga pag si Sajangnim ang kausap e, para akong kriminal na nililitis." Sabi ni Lisa na nakahawak pa sa dibdib nya.

"Feeling ko nga hinihila nya palabas yung kaluluwa ko e." Sabi ni Chaeng na nakakapit kay unnie.


"Ppoong! Tara na, uwi na tayo sa dorm at mag eempake pa tayo ng mga gamit natin." Sabi ni Unnie na kalmado lang. Sa tagal na ba namin nakasama si Mr. Yang, hindi na sya ganon katakot dito, depende nalang kapag bad mood si Sajangnim.


"Mag celebrate tayo after anniversary live natin ha?" Nakangiting suggestion ko. Pumayag naman sila at umuwi na kami.



Ilang araw na ang lumipas, nailipat na namin sa mga bahay namin yung mga gamit namin sa dorm. Ngayon hiwa hiwalay na kami, huhuhu. Mamimiss ko sila kasama sa iisang bahay. Di na rin kami madalas mag kikita ni Lisa.


Nandito ako ngayon kay Mama. Wala akong magawa, si Lili naman inaasikaso yung papers ni Lily para maiuwi nya na sa condo nya. Yey! May apo na kami. Nakakaproud kasi si Luca may girlfriend na, at sa kalokohan ni Manoban e kapangalan ko pa talaga. Gusto nya daw kasi maging loyal sakin kaya dapat pati babae ng mga babies namin konektado sakin.

I see you see me (JENLISA fanfic)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin