Chapter 26: DRUNK GIRLS IN YOUR AREA

3.9K 57 8
                                    


CHAENG's POV

After despedida night for our maknae Lisa ya, pinatawag ako ni President Yan para ipaalam sakin na may gaganapin silang party for Lisa tonight. Sa bar na pag mamay ari ng artist ng GYE. He asked for help para maisurprise si Lisa mamaya.


"Chaeng, aasahan kita ha." Paninigurado nya.

"Yes President." Sagot ko at nag paalam na muna aalis. Mag a-update nalang daw sya sakin kung anong oras ko sila dadalhin dun sa bar.

Umuwi na muna ako para sabihan sila unnie. Hinanap ko muna yung sasakyan kasi parang wala? Nasan si Manager X?

*beep beep*

"Ayy!" Napasigaw ako sa gulat kasi nag busina yung nasa likod na sasakyan. Tinignan ko yun pero parang hindi naman yun yong sasakyan namin e. Pero kasi pagod na ko kaya sumakay nalang ako sa likod.


Lalaki yung nag dadrive, pero naka mask sya saka cap. Hindi naman nakaganun si Manager kanina pag hatid nya sakin? Ay ewan. Pagod utak ko saka gutom nako.




"Chaeyoung ah? Saan ka galing?" Seryosong tanong ni Lisa.

"Wow. Seryoso!" Pag biro ko.


"Di ako nakikipag biruan." Seryoso pa ding sabi nya.


"Kasama mo si Ford??" Tanong nya.

"Hindi ah!" Tanggi ko. Ba't naman nadamay si Ford?


"Kung hindi e san ka nang galing?" Seryoso pa ding tanong nya.


"Pinatawag ako ni President Yan. May pinapaasikaso sya sakin. Okay na?" Kunot noo kong sabi. Kainis ka Lisa! Hindi ko nga dapat sasabihin e.

"Limario, Chaengie. Anong nangyayare dito?" Tanong ni Chichu unnie habang pababa sya ng hagdan.

"Nag aaway ba kayo?" Dagdag nya pang tanong ng makalapit samin.

"Eto kasing si Chaeyoung ah, ayaw pang aminin na nakipag kita kay Ford." Pag susumbong nya.


"Nakipag kita ka kay Ford??" Gulat na tanong ni Unnie.

"No unnie! I'm telling the truth. If this kid can't understand I don't mind." Inis na sabi ko.

"Sorry unnie. I'm tired." Dagdag ko pa at umakyat na sa kwarto. Napagod kaya ako. Daming kinuda ni President Yan tapos ang dami ding binilin. Di pa ko pinakain.


*tok tok*

Pero hindi pinag buksan.

"Mag sorry ka." Rinig kong sabi ni Chichu unnie sa labas ng kwarto ko.

"Pero Chu, nakita ko talaga. Hindi kotse ni Manager X and Y yung nag hatid sakanya." Pag pilit ni Lisa.

Teka? Kaya ba iba yung sasakyan pati yung driver?


"Pasok." Rinig kong sabi ni unnie. Tapos bumukas yung pinto at mukhang tinulak si Lisa papasok.

"Uhm--" Sabi nya kasi sarado na yung pinto.

Lumapit sya sakin. Nakaupo kasi ako sa sofa.

"What do you want?" Tanong ko. Medyo natatawa ako sakanya kasi para syang batang may nagawang kasalanan e. Pffft.

"I just-- uhm." Hiyang hiya Lisa ya ah. Hahaha. Pag tripan din kaya kita?

Umupo sya sa tabi ko.

I see you see me (JENLISA fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon