Chapter 37: MEETING

2.8K 49 0
                                    



LIMARIO's POV

Kahapon lang ako nakauwi, at hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na nandito na ko ulit sa dorm kasama sila Nini. Akala ko naman kung saan ako dadalhin yun pala uwian na. Hihihi.


Pero baka nga ito na yung task, naalala ko pa yung sinabi ni Instructor Kang na 'Protect your buddies at all costs'

E kahit naman hindi nya sabihin e poprotektahan ko naman talaga sila, mahal na mahal ko kaya ang JenChuChaeng ko. Hindi ko hahayaan na mapahamak sila. Ngayon nandito na ko ulit, na mas strong sa dating ako.

"Love youuu." Bulong ko at hinigpitan ko yung yakap ko. Mag kakasama kasi kaming natulog ulit. Sobrang miss kasi namin yung isa't isa kaya sa kwarto ni Nini kami natulog. Yakap ko sila.

"Para kanino ba yan Limario?" Tanong ni Chu.


"Para sainyong tatlo. Love love ko kayo e." Sabi ko at hinigpitan yung yakap.



"Uuughh. Di ako makahinga." Sabi ni Nini na nakasubsob pala yung mukha sa leeg ko.



"Kain na tayo." Sabi ni Chaeng na walang gana.



"Namiss ko kayo sobra!" Sabi ko.

"Nabasa mo yung letter ko?" Natatawang sabi ni Chu.


"Oo! Pinaiyak mo ko!" Inis na sabi ko pero syempre joke lang yun.


"Hahahaha. Akala ko hindi ka iiyak." Natatawang sabi nya.


"Iyakin." Asar ni Chaeyoung.

"Sus. Mas iyakin kapa nga sakin e." Pang aasar ko din.

"Mag sisimula nanaman kayo." Sabi ni Nini tapos bumangon na.



"Mag luluto na muna ako." Sabi nya tapos lumabas na ng kwarto.

"Tulungan na kita Jendeukie. Ayokong umawat sa dalawang bata na to." Sabi ni Chu at lumabas na din.



"Kamusta naman kayo dito habang wala ako?" Tanong ko kay Chaeyoung.


"Okay naman. Tahimik buhay namin walang makulit." Sagot nya.


"Grabe ka sakin Chaeyoung ah." Sabi ko at niyakap sya. Nakahiga pa rin kasi kami.



"Ugggh! Lisa yaaa!" Sabi nya nung hinigpitan ko.


"Kayong dalawa, labas." Seryosong sabi ni Nini na nasa pintuan pa pala ng kwarto nya.


Agad naman kaming nag bitaw at lumakad palabas ng kwarto.


"Ikaw kasi e. Landi landi mo." Sisi sakin ni Chaeyoung.


"Ikaw kasi di mo tinanggal agad." Balik ko sakanya.


"La? Higpit higpit kaya." Sabi nya.


"Basta kasalanan mo." Sabi ko.


"Kasalanan mo." Ayaw patalong sabi nya habang pababa ng hagdan.


"Kasalanan mo Chaeyoung ah." Pang aasar ko.


"Kasalanan mo Lisa ya." Naaasar na sabi nya.



"Ayan nanaman silang dalawa." Bulong ni Chu habang nag hahalo ng kung ano sa kaldero.



"Wow! Fried rice." Masayang sabi ni Chaeyoung nung nakalapit sya sa niluluto ni Chu. Lumapit din ako agad.


I see you see me (JENLISA fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon