Chapter 77: Girlfriend's Duty

2.5K 45 7
                                    


LIMARIO's POV

"Jennie?" Rinig kong tawag ni Chu kay Nini.


"Yes unnie?" Tanong nya. Nasa hotel room kami ni Nini ngayon kasama si Chaeng dahil gusto nya mag kakasama kami para pahirapan kami este pag samahin kami ni Chaeng at subukang wag mag talo. Kundi iiwan nya kami dito sa Japan. Buti nalang at tumawag si Chu at na busy si Nini habang kami ni Chaeng...

"Lisa, sabi ko umusod ka ng kaunti. Masikip." Bulong ni Chaeng. Nakaupo kasi kami sa sahig habang nakasandal sa maliit na couch, nag aayos ng gamit dahil maya maya lang pupunta na kami sa airport pauwi ng SoKor!


"Wala na nga akong uusuran oh. Nakita mo ba puno ng damit at maleta tong gilid ko." Sabi ko habang nag tutupi ng damit. Nasa left side ko kasi si Chaeng at nasa right side ko naman yung maleta ko katabi yung mga damit ko at malapit lang din sakin yung mga damit at maleta ni Nini kaya hindi ako makausod at nag kakabanggaan kami ng siko ni Chaeng.

"Nababangga mo ko, hindi ako makatupi ng maayos." Asar na sabi nya.


"Edi ikaw ang umusod. Ang luwag luwag dyan sa gilid mo." Inis na sabi ko habang tinuturo yung kabilang gilid nya na wala namang damit na nakakalat.


"E wala akong sandalan." Sabi nya na medyo napalakas kaya napatingin samin si Nini na nasa kama ngayon dahil mag papahinga daw muna sya habang kausap si Unnie.


"Nag aaway nanaman ba kayo?!" Tanong nya na nakakunot noo.


"Sino? Yung dalawang isip bata?" Tanong ni Chu.

"Hoy Chu! Mas isip bata ka pa sakin." Sigaw ko at tatayo na sana ng hilahin ako ni Chaeng.


"Umayos ka nga kung gusto mong kasabay umuwi ng SoKor yang pusa." Bulong nya sakin na nakapag patigil sakin.

"Hoy Limario, wag mo kong ikumpara sayo. Kasi kahit isip bata ako hindi ako pinaparusahan ni Jennie. Bleeh!" Pang aasar na Chu na nakapag papintig sa tenga ko. Kahit hindi ko nakikita mukha nya at boses nya lang naririnig alam kong nakangisi nanaman sya.


"Atleast ako kinakausap ni Chaeng." Pang asar na sabi ko at padabog na nag lakad papuntang pintuan.


"Lisa!"

"Hindi kapa tapos mag empake."

Rinig kong sigaw nung dalawang nasa kwarto.

"Mauna nalang kayo bumalik ng SoKor. Mag paparebook nalang ako." Huling sabi ko bago ko sinarado yung pinto.


Bumuntong hininga ako bago nag lakad papuntang hotel room ko. Ang totoo namang dahilan kung bakit hindi kami mag kaayos ngayon dahil sa Chaesoo.

Flashback

"Lisa?" Gulat na tanong ni Chaeng habang nag pupunas ng luha. Pumasok kasi ako sa room nya para ayain syang kumain.


"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko at naupo sa dulo ng kama nya.


"Wala to." Sagot nya at nag iwas ng timgin.


"Park Chaeyoung." Pananakot ko. Napatingin sya sakin at bigla nalang akong sinunggaban ng yakap kaya napahiga kami sa kama nya.




"Si Jisoo unnie kasi e." Sabi nya habang umiiyak. Nakasubsob sya ngayon sa leeg ko.


"Bakit?" Tanong ko habang hinahagod yung likod nya.


"Nag talo kasi kami... nag paalam sya kung pwede daw ba syang makipag kita don kay V." Sabi nya at naramdaman ko ang pagkuyom ng kamay nya sa gilid ng leeg ko.



I see you see me (JENLISA fanfic)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt