Chapter 27: OUR LAST NIGHT

3.2K 56 3
                                    


CHAENG's POV

"Oh my gosh. My head hurts." Sabi ko ng subukan kong tumayo.

Umaga na, at kakagising ko lang. Nagugutom nako pero ang sakit ng ulo ko. Huhuhu.



"I can do this!" Sabi ko at umupo ng mabilis.

"Aaaargh!" Sigaw ko habang hawak hawak yung ulo ko. My gosh! Umiikot yung mundo ko.


Pero gutom na koooo. Kelangan ko na bumabaaa! Inantay ko muna tumigil yung pag ikot ng paningin ko saka ako tumayo. Ayan medyo okay naman kaya nag lakad na ako. Straight na straight yung tingin ko kasi parang pag lumingon lingon ako mahihilo ako ulit e.

Para tuloy akong robot pababa.


"Alice?" Tawag ko sa babaeng nag peprepare ng breakfast namin.


"Oh! Goodmorning sis. Sabi ko na nga ba ikaw unang una bababa e." Natatawang sabi nya.


"Gutom na akooo." Sabi ko at naupo.


"Bakit parang naka steady yang ulo mo?" Tanong nya.

"My head is spinning like hell." Sabi ko.


"Hahahaha. Hangover. Drink this." Sabi nya at nag lagay ng gamot sa tapat ko.


"Goodmorning." Sabi ng papalapit samin. Hindi ko sya matignan kasi mahihilo ako pag lumingon ako.


"Goodmorning Lion este Lisa." Pang aasar ni Alice.


Umupo sya sa tabi ko.

"O bakit hindi mo ko pinapansin? Porket may pagkain kana?" Tanong nya sakin.


"Don't bother me. My head is still spinning." Sagot ko.

"Hahahaha." Tawa nya. Bakit parang walang epekto sakanya yung nainom namin kagabe???


"Wait! How did we get here?" Tanong ko ng maalala na wala palang mag hahatid samin kagabe.


"Hindi mo maalala?" Tanong ni Alice.

"Hindi." Sagot ko.

"Hinatid daw kayo ng members ng iKON dito kagabi." Sabi ni Alice.


"What?! P-paano? Ibig sabihin dinala nila kami sa kwarto isa isa?! N-nakita nila yung kwarto ko?!" Gulat na gulat na tanong ko. E paano ba naman kasi, isipin mo lalaki sila, tapos si Ford may gusto sakin. Syempre may malisya yon sakanya. Huhuhuhu. Nakakahiya!


Pinatong ko yung dalawa kong paa sa upuan tapos pinatong ko yung baba ko sa tuhod ko at humawak ako sa ulo ko para sabunutan ko yung buhok ko.


"Waaaaaaaaah!" Sigaw ko. Mawawala ako sa sarili kooooo!



--

JISOO's POV


Pag baba ko narinig ko si Chaengie na sumigaw.


"Hey gurls. May gamot ba dyan sa sakit ng ulo?" Tanong ko. Para kasing mabibiyak yung ulo ko sa sakit e. Huhu.



"Meron dito." Sagot ni Alice at inangat yung gamot. Lumapit naman ako sakanila at naupo sa tabi ni Limario.


"Anong nangyare dyan?" Tanong ko kasi mukhang baliw si Chaeng tapos tulala lang.


"Hindi nya kasi maalala nangyare kagabe e." Sagot ni Limario.


"Bakit? Ano ba nangyare kagabi?" Tanong ko. Wala din kasi ako maalala, akala ko nga sa bar na ako nakatulog e.


I see you see me (JENLISA fanfic)Where stories live. Discover now