Chapter 25: SPECIAL NIGHT

3.9K 60 2
                                    


LIMARIO's POV

Isang araw nanaman ang nagtapos. Haaaaaays.

Panibagong umaga tapos ilang araw nalang siguro at aalis na ako.

Pag labas ko ng kwarto ko, tahimik. Baka tulog pa yung mga yon. Pero 9am na. Usually 8am pa lang gising na sila at ang gulo gulo na dito sa dorm.

Pumunta ako ng kusina at nakita ko sa lamesa yung nakatakip na pagkain. Tapos may sticky note na nakadikit.

Lisa ya!
Eat your food before anything else.
- Chipmunk ❤️

May pag ganito? Tapos binuksan ko yung nakatakip. Pancakes with chocolate and strawberries. Wow! Tapos may salad sa gilid. Sino kaya nag prepare?

Kumain na lang ako. Mukhang tapos naman na sila kumain. Pero kung gising na sila e nasan sila? Umalis kaya sila? Hindi man lang ako ginising.

Pag tapos ko kumain, kukuha na ako ng inumin sa ref ng makita ko uli na may sticky note don.

LIMARIO,
Tapos kana kumain db? Pakainin mo naman sila Dalgomie!
- Chichu

Hay. Umalis alis kayo ng maaga tapos di nyo pinakain mga alaga nyo. Uminom muna ako ng tubig tapos nag hugas ng pinagkain.

Pag tapos hinanap ko na yung mga alaga namin.

"Leoo? Lucaaa? Come here babies. Kain na kayo." Tawag ko sa mga babies ko. Tapos nag lapitan na sila. Nag lakad na ako papunta sa lagayan ng cat food ng nakasunod sila. Tumakal ako at nilagay ko yun sa baba.

"Yan good. Eat kayo madami." Sabi ko at hinanap ko pa yung iba.


"Dalgom ah?? Kukuuu?" Pumunta naman ako sa lagayan ng dog food at nilagyan yung pakainan nila.

"Kukuuuu? Dalgoooom ahh?" Tawag ko ulit. Bakit kaya ang hirap tawagin netong mga alaga nila pag ako tumatawag. Huhu.


Tapos umakyat ako para hanapin sila kasi di sila lumalabas e. Pumunta ako sa kwarto ni Chu at nakita ko si Dalgom na natutulog.

"Dalgooom ah. Dalgom." Tawag ko at nagising sya.

"Come here." Sabi ko at lumabas ng kwarto. Hindi nya ko sinusunooood. Huhuhu.

"Dalgooomie! Tara na, kakain kana sa baba." Sabi ko at tinuro yung pakainan nya sa baba kaya ayun bumaba na sya.

"Arff arff arff!" Rinig ko. Parang nasa kwarto din. Kaya pinuntahan ko yung kwarto ni Nini.

At sinalubong ako ni Kuma.

"Nandyan ka pala Kuku. Kaya pala hindi ka makababa kasi nakasarado yung pintuan." Sabi ko at sabay na kaming bumaba.

Kumain na sila kaya si Joohwang naman ang pinakain ko. Buti pa to madaling hanapin. Aysh lalisa malamang nasa aquarium lang yan! 😒

Pag tapos ko mag pakain, nahiga ako sa sofa.

*sigh*

"Nasaan kaya sila ngayon?" Sabi ko sa hangin. Wala naman kasi ako makausap e.

"Meow." Napatingin naman ako sa baba. Si Leo pala.

"Hi Leo." Sabi ko sakanya tapos kinarga ko at pinatong sa tyan ko. Nakahiga pa din kasi ako.


Nilalaro ko lang sya habang nag iisip ng gagawin.


I see you see me (JENLISA fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon