Chapter 33: EFFORTS

2.6K 40 0
                                    



LIMARIO's POV

"Lisa, pansinin mo na ako." Pangungulit ni Yu Bi. Pag tapos kasing magalit sakin si Nini ay hindi ko na pinansin tong isang to.


"Lalisa naman e!" Sabi nya habang niyuyugyog ako. Nakahiga kasi ako sa kama at nakatalukbong. Dalawang araw na lumilipas mula nung nabadtrip si Nini at wala akong magawa kundi mag isip kung galit pa din ba sya sakin hanggang ngayon. Di ko naman sya pwedeng puntahan, hindi ako makaalis dito at hindi rin sila nag paparamdam sakin.



"Huy, kausapin mo na ko. Bakit mo ba ko tinitiis ng ganyan?! Kinalimutan mo na ba talaga ako?! Para namang wala tayong pinag samahan! Nakakasakit kana ng damdamin ha. Hindi kana nakakatuwa, dalawang araw na kitang sinusuyo pero lagi mo pa din akong iniisnob. Siguro nga wala ka talagang pakialam sakin, mula pa naman noon lagi ka ng ganyan ako lang yung gumagawa ng way para makasama ka. Nakakapagod na. Sana hindi nalang ako bumalik para hanapin ka." Naramdaman ko naman yung pagkabasag ng boses nya.

"Wag ka mag alala. Hindi na kita kukulitin. Mag ingat ka nalang palagi." Sabi nya na alam kong umiiyak sya. Pero hindi ko sya magawang maharap. Nahihiya ako sakanya. Tama naman sya e, lagi ko lang syang sinusungitan, lagi ko nalang pinapamukha sakanya na hindi sya mahalaga sakin. Pero hindi nya ako iniwan. Lagi lang syang nandyan. At kung hindi ko lang hiniling na sana lubayan nya ako, baka hindi ganito yung nararamdaman ko. Nasasaktan ako para saming dalawa. Nilalayo ko yung sarili ko kasi pagod na kong mag sisi sa nagawa ko na hanggang ngayon hindi ko pa rin napapatawad yung sarili ko.






"Lisa. Lisa gising." Nagising ako sa paulit ulit na nag tatap ng balikat ko.

"Bakit?" Tanong ko na halos pikit pa yung mata ko ng maupo.


"Kanina pa nawawala si Yu Bi. Ang sabi nila ikaw daw ang huling kausap nya." Sabi ni Luke.


"Baka naman nandyan lang yon sa tabi tabi." Sabi ko at babalik na sana sa pag tulog.


"Limang oras na syang wala Lisa. At hindi pa nawala ng ganon si Yu Bi." Nag aalalang sabi ni Luke.


"Hindi ko alam kung nasan sya." Sabi ko.


"Wala kang kwenta Lisa. Kung di mo sya mapahalagahan bilang nag mamahal sayo. Pahalagahan mo naman sya kahit bilang kaibigan mo. Taon din ang pinag samahan nyo. Pero kahit isang beses di mo man lang naparamdam sakanya na mahalaga sya sayo. Tao rin sya Lisa, at araw araw syang umiiyak dahil sayo! Nasasaktan din sya kahit na pinapakita nya sayong matapang sya. Kaya Lisa, tandaan mo to. Kapag may nangyareng hindi maganda sakanya, hinding hindi kita mapapatawad." Sabi ni Luke na nakapag patulala sakin.


Mahalaga sakin si Yu Bi. Hindi ko man masabi sakanya yon pero alam ko sa sarili ko na sobrang importante nya saakin at hindi ko na hahayaan na mawala sya ulit!


Tumayo ako at kinuha ko yung jacket ko, gabi na kasi at malamig sa labas.



"Lisa, saan ka pupunta?" Tanong ni unnie.

"Hahanapi ko si Yu Bi." Sabi ko lang at tuloy tuloy ng lumabas.


Tumakbo ako papuntang gubat.

"Yu Bi! Yu Bi! Nasan ka?!" Sigaw ko. Kahit na malabong nasa paligid lang sya. Takbo ako ng takbo hanggang sa nakarating ako sa Tree House.


Baka naman nasa loob sya? Umakyat ako agad at tama nga ako.


"Yu Bi." Sabi ko at niyakap sya.



"Bitawan mo ko! Umalis ka nga dito." Sabi nya sakin at tinulak ako palayo. Umiinom sya. Ang daming bote ng alak sa gilid nya at halatang kakaiyak nya lang.



I see you see me (JENLISA fanfic)Where stories live. Discover now