Chapter 68: WE'RE MARRIED

2.6K 35 3
                                    





LIMARIO's POV

"Nasan na ba yun???" Iritang tanong ko sa sarili. Hinahanap ko kasi yung phone ko. Alam ko dito ko lang pinatong yun sa dressing table ko. Halos baliktarin ko na nga yung kwarto ko mahanap lang yun e.


"Lisa, ano ba?! Isang oras ka na dyan hindi ka pa ba tapos?? Kanina ka pa namin inaantay sa baba." Sabi ng kakapasok lang na si Jennie.


"Yung phone ko kasi e. Hindi ko makita, kailangan kong pag aralan yung sinend na song ni kiel sakin." Sabi ko habang pinag aangat yung mga unan sa kama ko.


"Nilowbat na ni unnie kakaintay sayo." Sabi nya saka nag cross arms. Napatigil ako sa ginagawa ko sabay ng panlalaki ng mata.


"Ano??! Bakit hindi mo sinabi agad?" Tanong ko sakanya habang tumatakbo palapit sakanya.

"E hindi mo naman sinabi sakin na yun yong hinahanap mo e." Sabi nya sabay hampas sa ulo ko.

"Ouch." Pag iinarte ko habang himas himas yung ulo ko. Hindi naman talaga masakit. Hehe.

"Tara na. Malelate tayo sa fan meet natin ngayon e." Sabi nya at hinila na ako papunta sa van.


"Eto na nga po prinsesa ko." Sabi ko at sinabayan na sya mag lakad. Ang hirap kasi mag lakad pag hinihila ka ng maiksing biyas. Ay este joke lang, mahal na mahal ko yang babaeng yan. Wala ng mas sesexy at gaganda pa kay Jennie Kim ko.


--

Pag tapos ng fan meet, nasa van na kami.


"Seriously, pinirmahan nyo talaga?" Hindi makapaniwalang sabi ni Manager X.


"Bakit hindi? Para aware silang lahat na sakin lang tong pasaway na to." Sagot ni Jennie na nakatitig sakin. Nakatitig lang din ako sakanya.



"Wow. Ang bilis kumalat sa social media oh. Nag diwang nanaman Jenlisa Shippers." Sabi ni Chaeng na busy sa pag scroll sa phone nya. Nasa likod kasi sya katabi si Chu.


"Seryoso si Lisa. Dalawang pirma talaga ginawa. Hahaha. Ano, totoong kasal lang? Hahaha." Pang aasar ni Chu. Ngumiti ako.


"Mukhang totoong marriage certificate kaya! Ang galing ng pag kakagawa. Kulang nalang yung pari o kaya attorney para isealed yung certificate." Depensa ko. Ang galing kasi ng babaeng nag papirma samin. Ganda ng idea nya. Sana makita ko sya ulit. O kaya mag karoon ako ng balita kung anong ginawa nya sa certificate namin. Hihi.

"Attorney sya Lisa." Seryosong sagot ni Jennie na ikinalingon ko sakanya. Nakatitig naman sya sa phone nya.



"Huh?" Pano mo nalaman?" Takang tanong ko.



"Oh." Sabi nya at hinarap sakin yung screen ng phone nya. Screenshot yun galing sa isa sa mga ultimate fan nya. Nakalagay don yung social media account nung girl tapos nakalagay don yung work nya. Nanlaki yung mata ko.



"For real?! Kasal na talaga tayo?" Gulat na tanong ko sakanya.



"Kumikinang yung mata nya oh!" Pang aasar ni Chu. Natawa naman si Jennie habang tumatango tango.



"Dapat pala nating icelebrate yan? Kumain tayo bago umuwi. Nagugutom na rin ako e." Pag sabat ni Chaeng.



"Tara mag celebrate tayo." Pag sang ayon ni Manager.




Wow wow wow.



"Lili, kaya wag kana masyadong malandi dyan. Lagot ka sa jenlisa shippers pag nag landi ka pa sa iba." Pag bibiro ni Jennie. Natawa naman silang lahat. Nag pout ako, sinasakyan nilang lahat yung marriage certificate. Pero okay na din, para alam ng lahat na dun din ang punta namin at hindi na sila magulat kung sakaling malaman nilang kasal na kami sa future. Hihihi!



I see you see me (JENLISA fanfic)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora