Chapter 58: HATERS

2.2K 35 7
                                    



JENNIE's POV

Natapos na namin yung Blackpink House, nakapag comeback na din kami. Mas lumawak yung mga nakakakilala samin. Ngayon mas maingat kami kumpara noon. Hindi na rin ganun kadaling lumabas publicly kasi madami na ring reporters yung nag babantay.

"Chaeyoung ah." Sabi ni Lisa. Nasa couch kaming dalawa tapos nakaupo sa sahig si Chaeng. Si unnie naman nakahiga sa kabilang couch. Nanunuod kami ngayon ng kdrama.

"Why?" Tanong ni Chaeng habang nakatitig sa tv.

"Chaeyoung ah." Tawag uli ni Lili.


"Bakit?" Tanong uli ni Chaeng.

"Chaeyoung ah." Natatawang tawag uli ni Lili.

"Ano baaaaa???" Naasar na sabi ni Chaeng. Tumawa naman ng tumawa si Lili.

Napansin kong mas naging close sila nung napadalas yung pagkakasama nila sa BP House. May mabuting madudulot din pala samin yung pag babawal samin ni Principal Gyu.

"Kuha lang ako chips. Madamot yung isa dyan e." Parinig ni Lili kay Chaeng.

"Sabay mo na din ako." Sabi nya at inaabot kay Lili yung bucket na lagayan nya ng chips.


"Samahan mo ko." Sabi ni Lili at hinila sya patayo.

"Ahh-aray. Ikaw na lang kumuha." Nakasimangot na sabi ni Chaeng.

"Ang hina hina non e. Tara na kasi." Pilit ni Lili.

"Tara na nga. Duwag kasi." Pang aasar ni Chaeng at nag lakad na papuntang kusina.


Tanaw lang mula dito kaya naririnig ko din sila. Kinuha ni Lili yung chips na favorite ni Chaeng.

"Sakin yan!" Sabi neto.

"Kunin mo kung makukuha mo." Pang titrip nanaman ni Lili. Inabot yun ni Chaeng pero nilayo agad ni Lili.

"Ahhhh! Lisayaaa!" Sigaw ni Chaeng.

"Bilisan mo kasi." Sabi ni Lili. Aabutin na uli ni Chaeng ng tinaas naman ni Lili.

"Hahahahahaha! Ang bagal kasi." Pang aasar nya.

"Heh. Bahala kana nga dyan." Asar na sabi ni Chaeng at kukuha na sana ng ibang chips.

"Oh oh. Eto na, pikon naman." Sabi ni Lili at nilapag na sa harapan ni Chaeng.


"Ano bang pwedeng kainin?" Tanong ni Lili at nag tingin sa ref.

"Nini, ice cream gusto mo?" Tanong nya sakin. Nag thumbs up naman ako.

"Ako din." Sabi ni Chaeng na nasa likod nya.

"Ako din Limario!" Sabi ni Unnie.


"Oh akala ko tulog ka." Sabi ni Lili.

"Ang ingay nyo pano ako makakatulog." Sagot nya. Tumawa naman si Lili. Bumalik sila ni Chaeng na dala yung mga pagkain.

Ganto gawain namin pag tapos ng mga event na pinupuntahan namin. Celebration tawag namin kahit pag papahinga, panunuod ng tv at pagkain ng kung ano ano. Kasi minsan lang namin to magawa dahil sa pagiging busy noon sa filming, photoshoots, rehearsals at fan meeting.


"Bagong news sa site guys oh." Sabi ni unnie. Nag babasa sya ngayon sa phone nya.

"Blackpink's comeback successed. But Blackpink Kim Jennie receives hate from fans because of her laziness when performing strikes again." Sabi ni Unnie.


I see you see me (JENLISA fanfic)Where stories live. Discover now