Chapter 69: BEAUTIFUL

2.2K 29 1
                                    

JISOO's POV

"Chaengie! Anong gagawin mo pag tapos mag shoot?" Tanong ko. Nandito kasi kami ngayon sa Hawai para ishoot yung Summer Diary, at para makapag bakasyon naman pag tapos ng tour.

"Kakain." Sagot nya habang nag aayos ng susuotin nya. Inaantay ko nalang sya at pupuntahan na namin yung mga baby dolphins. Uhm, di na sila baby pero para sakin babies pa din sila. Hihi!

"Ehh, maliban sa kumain?" Tanong ko. Hmm, sana wala na syang gagawin mamaya. Gusto ko sana syang ayain pumasyal sa beach malapit dito sa hotel na pinag stayan namin. Sayang naman kasi kung hindi kami makakapag bonding dito sa magandang lugar na to.


"Uhm, wala na? Oo, wala na akong gagawin mamaya." Nakangiting sagot nya.


"Good! Samahan mo akong mamasyal sa beach mamaya." Nakangiting sabi ko din.

"Okay. Tara na, baka magalit na si Jennie unnie." Saka nya ako hinila palabas ng room nya.

--

JENNIE's POV

"Jagi, date tayo." Sabi ni Lisa na nakahiga sa kama ko. Tinignan ko sya ng nag tataka. Kakatapos lang namin mag shoot. Napagod ako at gusto ko nalang mag pahinga ngayong hapon hanggang gabi.

"Tara nga dito." Sabi pa nya at tinatap yung kabilang side ng kama ko. Sinunod ko sya at nahiga sa tabi nya. Ginawa kong unan yung braso nya at niyakap ko sya. Ugh! Sarap talaga sa feeling pag si Lisa yung katabi ko e. Nakakawala ng pagod.


"Mamayang gabi date tayo." Sabi nya ng nakapout. Naramdaman ko yung abs nya sa kamay ko kaya pinasok ko sa loob ng damit nya yung kamay ko at hinimas himas yung abs nya. Hihi!

"Bakit? Nakakapagod lumabas e. Dito nalang tayo sa kwarto." Sabi ko at nag pacute. Natawa naman sya.

"Mas papagurin kita pag nag stay pa tayo dito. Kaya dapat lumabas tayo." Sabi nya. Hinampas ko naman yung abs nya.


"Ouch!" Natatawang sabi nya.


"Pumayag kana Nini ko. Sayang naman tong bakasyon kung di tayo gagala." Pag pilit nya.

"Oo na, oo na." Sagot ko. Wala naman akong magagawa, pag humindi ako. Pipilitin lang ako ng pipilitin ng maganda na gwapong nilalang na to.

"Yehey!! I love you! I love you so much Jennie ko." Sigaw nya na parang bata at pinaulanan ako ng halik sa buong mukha.

"Ahhh! Lisa, tama naaaa. Hahahaha." Natatawang sabi ko. Hm, kinikilig din pala. Hihihi!

"Mag bihis kana, alam ko namang tatlong oras ka mag papaganda e. Haha! Papaalam lang din ako kay Manager tapos mag bibihis na din." Sabi nya at hinalikan ako sa labi saka na lumabas ng kwarto ko.

Alam na alam nya na kapag mag dedate kami halos laging tatlong oras nya kong inaantay. Ano kayang gagawin nya habang inaantay ako?

--

CHAENG's POV

"Lisayah!" Sigaw ko sa labas ng pinto ni Lisa.

*tok tok tok

Sana naman nandito sya, nagugutom na ako. Ang tagal matapos ng shoot.


"Oh, Chaeng. Bakit nasa pintuan ka ng kwarto ko?" Tanong nya na nasa likod ko. Hinarap ko sya.

"Galing ka kay Jennie unnie?" Tanong ko.

I see you see me (JENLISA fanfic)Where stories live. Discover now