Chapter 31: POKPAK

2.8K 48 5
                                    


LIMARIO's POV

Binigyan kami ng time mag pahinga pag tapos mag activity sa labas. Naayos ko na yung gamit ko at nakapag palit na rin ako.

Kasama ko din sa room yung apat na babaeng kasama ko mag training. Natulog muna ako nung lumabas sila para maligo at mag palit.






"Tangkad! Tangkad!" Rinig ko habang niyuyugyog ako.

"Ano ba pandak. Ayoko mag laro." Sabi ko at umikot ng higa.

"Iiihh. Tayo na dyan." Pilit nya at mas lalo akong niyugyog.



"Oo na oo na! Tama na. Nahihilo na ko." Sabi ko at naupo na.


"Ano?" Tanong ko. Natigilan kasi sya at tumitig lang sakin.

"Namiss kita." Sabi nya. Napaiwas naman ako ng tingin. Nagi-guilty kasi ako sa pag papalayo sakanya noon.


"Kung wala ka naman sasabihin na matino, pwede wag mo na ako guluhin." Sabi ko at tumayo para ayusin yung gamit ko sa likod.

"Tangkad tignan mo ko." Sabi nya. Lumingon naman ako.

"Oh anong meron?" Tanong ko tapos tinuloy yung pag aayos ng gamit.


"Tignan mo kooo! Wala ka bang napapansin?" Tanong nya at lumingon ako ulit. Ngayon mas malapit na sya sakin.

At nag taka ako.

"Teka, bakit parang may nag iba?" Tanong ko. Parang may nag bago e.


"Meron talaga!" Proud na sabi nya. Nanlaki naman yung mata ko.

"Wah! Mas lalo kang pumanget." Sabi ko tapos tumalikod na para mag ayos.

"Pokpak naman e!" Sigaw nya na mabilis pa sa mabilis tinakpan ko agad yung bibig nya. Sobrang lapit ko sakanya ngayon.


"Shhh. Db sabi ko wag mo kong tawaging ganon." Bulong ko sakanya. Pero nag ttaka ako bakit hindi ako nakayuko. Nakaakbay kasi ako sakanya. E dati kapag tinatakpan ko bibig nya at nakaakbay ako medyo yuyuko pa ko e.

"Bakit parang..." sabi ko at lumayo ng konte sakanya. Tinignan ko kung may suot syang sapatos. Pero nakapaa lang sya.

"Tumangkad ka!" Gulat na sabi ko ng marealize na halos mag kasing tangkad na kami.


"Kaya naman pala ang bilis mo ng tumakbo ngayon. Ang haba na ng legs mo." Puna ko.

"Paano nangyareng ganyan kana katangkad ha?" Tanong ko. Hindi kasi ako makapaniwala.

"Kasi nga hindi nako papayag matalo sayo no. At simula ngayon, hindi mo na ko tatawaging pandak at hindi kana rin si tangkad." Sabi nya na nakapamewang pa.


"Okay Yu bi." Sabi ko at nag thumbs up.

"Hey! Hindi pa ako tapos. Kung ayaw mong tawagin kita sa palayaw mo, call me Bi." Sabi nya.

"Dami mo pang sinabi pangalan mo din naman pala yung itatawag ko sayo." Sabi ko tapos naupo sa kama ko.

"Walang Yu. Bi lang parang Baby. Okay? Kung ayaw mo tatawagin kita sa palayaw mo, sige ka." Sabi nya at nag cross arms.

"Wow. Blackmail?" Manghang sabi ko. Tumawa lang sya.

"Ano?" Tanong nya.

"Okay bi." Walang ganang sabi ko.

"Good. Hahaha! Magagalit nanaman si Luke neto." Natatawang sabi nya.

"Pag titripan mo nanaman yung P.A. mo." Sabi ko. Lagi nya nalang kasing iniinis si Luke. Sya yung P.A. nyang mayaman. Ginagawa lang yun ni Luke kasi mahal nya si Yu Bi, kaso tong isang to baliw dahil ako daw ang gusto. Eto namang Luke pakabait kahit sinusungitan tong babaeng to. Hay ewan ko sakanila.



I see you see me (JENLISA fanfic)Where stories live. Discover now