Chapter 24: MY MAN

3.8K 66 0
                                    

JENNIE's POV

Nagising akong nakasiksik sa kama ko kasama yung tatlong pinakamalalapit na tao sakin ngayon. Napangiti ako kasi katabi ko sila.

"Wag mo ko pag pantasyahan, ang aga aga Nini." Napabalik ako sa earth ng mag salita sya.

"Kapal mo." Sabi ko at tumayo na.

"Saan ka?" Tanong nya.

"Maliligo. Sama ka?" Biro ko.

"Pwede ba?" Pag sakay nya sa biro ko.

"Hindi." Sabi ko at pumasok na ng cr.

Kala nya ha. Hahaha. Naligo na ako agad kasi aalis ako ngayon. Mag hahanap ako ng pwede kong maisuot mamaya. Birthday ni Chahee kaya dapat nandun ang pinakamaganda nyang best friend.



Pag labas ko, wala ng tao sa kwarto ko. Siguro bumalik na sa mga kwarto nila. Nag bihis na ako at bumaba na muna. Nagugutom na pala ako. Kelangan ko muna mag breakfast.

"Goodmorning Jendeuk-- oh! Aalis ka?" Bati sakin ni Unnie.

"Yup. Bibili ako ng damit para mamaya." Sabi ko at lumapit sa niluluto nya.

"Anong niluluto mo?" Tanong ko.

"Veggie burger." Sabi nya. Nag piprito pala sya ng patty na halos puro gulay yung ingredients.


"Mukhang masarap." Sabi ko habang inaamoy yun.

"Bakit puro gulay pala tayo?" Tanong ko. Kasi mula kagabi puro gulay niluto namin sapos ngayon gulay nanaman.

"Para healthy tayo, lalo na yung mahihiwalay satin di ba?" Sabi nya habang nag lilipat ng naluto nyang patty sa plato. Tumango naman ako at naupo sa bar stool.


"Nasan yung dalawa?" Tanong ko.

"Nag aayos, aalis din daw sila." Sagot nya.

"Oh san sila pupunta?" Tanong ko.

"Hindi ko alam e, di naman nag sabi." Sagot nya.

"Uy may naamoy akong mabango!" Bungad ni Lili nung makalapit samin.


"San ka punta?" Tanong ko. Nakabihis na kasi sya pero basa pa yung buhok nyang kulot. Hahaha.


"Nag papasama kasi si Chaeyoung e. Bibili daw sya ng masusuot mamaya." Sagot nya habang tinitignan yung niluluto ni Chu.


"Saraaaap." Sabi nya ng natatakam sa patties. Hahaha.

"Maiiwan pala ako dito. Haha." Sabi ni Chu.

"Sama kana samin Chichu unnie." Sabi ni Chaeyoung na nasa hagdanan pababa.



"Oo nga unnie. Para makapili ka din ng maisusuot." Sabi ko.


"Okay okay." Nakangiting sabi nya.


"Yun kumpleto tayo!" Sabi ni Chaeyoung. Nanahimik si Lili kasi nag peprapare sya ng mga buns at plato sa dining table namin.

"Mukhang gutom na gutom yung isa dyan ah." Parinig ni Unnie. Tumawa naman kami ni Chaeyoung.



"Mukha kasing masarap." Tanggol nya sa sarili. Ngayon pa lang kasi kami makakakain nun. Siguro sobra syang naexcite sa lasa. Haha. Bata talaga.

--

Pagtapos namin kumain nag ayos na kami para makaalis na. Nag pasundo kami kay Manager X para ihatid sa GYE, nandun na daw mga bagong labas na damit kaya hindi na kami mahihirapan pang bumili.


I see you see me (JENLISA fanfic)Where stories live. Discover now