Chapter 56: LET'S BE LEGAL

2.6K 42 0
                                    



JENNIE's POV

Pag tapos kong kausapin ni Principal Gyu tungkol sa pagiging delay ng mga susunod na shoot para sa blackpink house ay pinayagan nya kaming mag bakasyon muna.

Sinabi ko yun sa kanila at sobrang natuwa sila. Chichu Unnie will be staying in her family's house for a week, then si Chaeng naman ay makakasama si Unnie Alice sa pag bakasyon sa isange beach resort.

"Ikaw, anong balak mo?" Tanong ko kay Lili.

"Hindi ko pa alam e." Sagot nya.

"Ako, mag babakasyon kami ni Mama." Sabi ko.

"Saan?" Tanong nya.

"Gusto ko sana sa Thailand." Nakangiting sabi ko. Napatingin naman sya sakin na medyo gulat.

"Pwede bang ikaw nalang maging tour guide namin?" Nakangiting tanong ko sakanya.

"Syempre naman." Sagot nya ng nakangiti din.

"Pero okay lang ba sa mom mo?" Nag aalalang tanong nya.

"Ipapakilala kita sakanya. And ipakilala mo na din ako sa mom mo." Suggest ko.

"Gusto ko yan." Nakangiting pag sang ayon nya.

Nag empake na kami ng gamit. Siguro mga 1 week kaming mag babakasyon don para mag alis ng stress.

"Tapos ka na?" Tanong sakin ni Lili na nasa may pintuan ng kwarto ko.

"Malapit na." Sabi ko. Pumasok sya sa kwarto at naupo sa kama ko.


"Kukuuuu." Tawag nya sa alagang aso ko.

"Kuku kuku kuku kamukha mo si Chu ~" pakanta kanta sya habang buhat buhat si Kuma.

"Haha. Wala na nga dito si unnie inaasar mo pa din." Natatawang sabi ko.

"Miss ko na sila e." Sabi nya.

"Mag hiwahiwalay daw muna sabi ni Principal e.

"E pano yan ayoko humiwalay sayo?" Tanong nya na nag pakilig sakin.

"Edi dito ka lang sa tabi ko." Sagot ko. Agad naman syang lumapit sakin at naupo sa gilid ko.


"Pakasal na tayo?" Sabi nya na ikinabigla ko.

"Kasal?? Hindi pa nga tayo, kasal na agad nasa isip mo." Sabi ko.

"E kelan ba kasi magiging tayo?" Tanong nya at isinandal sa balikat ko yung ulo nya.

"Excited ka?" Pambabara ko.

"Sino ba naman hindi magiging excited? Gusto na kita tawaging 'mine' at ipag malaki sa buong mundo." Sabi nya at iniharap ako sakanya.

"Na eto, etong babaeng to, sakin at tatawaging Mrs. Manoban sa future." Sabi nya. Hindi naman ako nakapag pigil at hinalikan ko sya. Isang mabilis na halik lang.

"Para saan yon?" Tanong nya.

"Pinakilig mo kasi ako." Sagot ko at nag ayos na ulit ng maleta.

"Edi kapag pinakilig kita ulit, ikikiss mo ko ulit?" Tanong nya.

"Hindi na no. Abusado ka." Pag bibiro ko. Nag pout naman sya kaya tinawanan ko.



Pag tapos ko mag ayos ng maleta ko, nag bihis na kami ni Lili para hindi kami malate sa flight namin papuntang Thailand. Si Mama kasi ang sabi didiretso na sya don kasi mang gagaling pa syang New York.



I see you see me (JENLISA fanfic)On viuen les histories. Descobreix ara