Chapter 41: PROGRAM

2.9K 43 3
                                    



LIMARIO's POV

Papunta na kami ngayon sa GYU para mag perform sa event na gaganapin mamaya. Invited daw ang ibang group galing sa ibang Universities kaya iexpect na namin na maraming aattend.

"Nandun daw ang Twice." Sabi ni Chaeyoung.


"Ah yung bespren ni Ford." Sabat ko. Tinaasan nya ako ng kilay.


"Pati Red Velvet den aattend." Sabi ni Chu.

"Yung bespren naman ni Nini." Sabat ko ulit. Ngumiti lang sya.


"Pati bespren ko." Sabi ni Chu.


"Ikaw Lisa ya, saang group ka may bespren?" Tanong ni Chaeyoung.


"Secret." Sagot ko. Ayoko nga sabihin sakanila. Tinakwil ko na rin yun, tagal ng di nag paparamdam. Nakakatampo!


"Ang daya mo!" Sabi ni Chu.

"Wala akong kilala sa kahit saan." Sagot ko nalang para matapos na.


"Nandun din iKON at EXO." Sabi ni Nini habang binabasa yung list ng mga aattend.


"Oopps. Mga jowa nyo nandun." Biro ko. Kahit masakt talaga sakin yung kay Nini.

"Jowa ko nasa Blackpink." Seryosong sagot ni Nini na ikinagulat ko.


"Ako?" Tanong ko.


"Asa ka! Si Dalgom ah." Sagot nya. Haaaays. Nag tawanan naman yung dalawa. Ngumiti lang sya ng gummy smile at nawala na yung asar ko.


"Bts din pala aattend saka Got7." Sabi ni Chaeyoung nung basahin nya din yung list.

Natahimik ako. Aattend pala yung kupal na yon?! Aba mag kilita ata kami sa isang event. Awkward!


"May kilala kayo sa BTS?" Tanong ni Chu.


"Wala." Sabay na sagot namin ni Chaeyoung.

"Kawawa naman kayo." Sabi ni Nini.


"Kayo?" Tanong ni Chaeyoung.

"Oo. Nakasama namin sila noon nung DUO pa lang kami sa event din." Sagot ni Chu.


Pag dating namin sa GYU ay sa backstage agad kami dumiretso. Nag start na pala yung program at nag peprepare na yung ibang group. Nilapitan ni Nini sina Irene. Si Chu naman kay Seulgi. Tapos sa Twice naman si Chaeyoung. Naiwan lang ako sa upuan namin. Tinitignan ko lang sila makipag biruan sa mga kaibigan nila sa ibang group.


"Inggit ka Pranpriya?" Tanong ng lalaking pamilyar. Naupo sya sa tabi ko.


"Bambam?!" Gulat na tanong ko.



"Miss me?" Nakangiting tanong nya.


"Hindi. Bakit kita mamimiss?! Kapal mo naman." Sabi ko sakanya.


"Haha. Kahit di mo sabihin alam ko. Sorry na, medyo busy lang kaya hindi ako makapag paramdam sayo e." Sabi nya.


"Wala akong pake." Pag susungit ko.

"Nag tatampo naman tong Pranpriya na to." Natatawang sabi nya. Kupal talaga!


"Umalis kana nga." Kunyaring inis na sabi ko.

"Limario? Ginugulo ka ba neto?" Tanong ni Chu. Kasama sina Chaeyoung at Nini.


"Wait. Hindi ko sya ginugulo. Wag kayong ganyan tumingin. Para namang kakatayin nyo ako e." Sabi nya at medyo tinaas yung dalawang kamay.


I see you see me (JENLISA fanfic)Where stories live. Discover now