BMW15

1K 46 11
                                    

[BMW15]

Lia’s POV

“Sir, Ma’am, the management of the hotel is very sorry for not having your request the soonest time possible,” intro ng magandang front desk officer ng hotel na gaganapan ng convention. Dalawang oras din kaming nag-byahe ni Keene para makarating doon, hinatid kami ng service ng Narcisso Incorporated. “What we reseved for the people of Narcisso Incorporated was a single-bedroom suite. We did’nt receive any notice that the CEO of the company will be attending this seminar.”

“I’m willing to pay any amount for another room,” saad naman ni Keene.

Sa totoo lang, di ko naman naiintindihan mga sinasabi nila eh. Basta ang akin lang, gusto ko ng mahiga sa kama. Ang sakit ng likod ko, di rin ako natulog habang nasa byahe. Nag-enjoy ako masyado sa view, may dagat eh. Abnoy pa naman ako pagdating sa dagat.

“Wait, sir,” tapos may binutingting ang babae sa computer, “I’m really sorry, sir, ma’am but all rooms were reserved.”

“Ano daw?” bulong ko kay Keene, siniko ko pa siya.

Tumingin siya sa akin, “walang kuwartong naka-reserve sa akin.”

“Umuwi ka na lang kasi. Maiwan na ako dito.” *kaching* Siyempre, charing ko lang yun sa kanya. “Oh, eh ano ngayon?”

“Ma’am, sir, puwede naman po kayong magsama na lang sa isang kuwarto which is yung nailaan po talaga sa inyo. Magpapadala na lang po kami ng extra amenities doon na good for two, it’s the only way out on this situation,” sabat ni Miss Officer.

“Naubusan ka na yata ng ingles, noh?” ngumiti pa ako sa kanya, “bakit kasi walang vacant? Ano ba yan?”

“Lia, stop that,” pigil sa akin ni Keene sabay sulyap kay Miss Officer, “we’ll take the room.”

“Ano? Anong ‘we’ll take the room ka jan’?! Tayo? Magsasama sa isang kuwarto? Over my dead, ever gracious, always sexy body!” kulang na lang ay humawak ako ng bandera para lang ipagdiinan ang pagtanggi ko. “Like, duh! Babae po ako! Kasangga ni Maria Clara!”

“It’s either you go home, or stay, Lia.”

“Basta ako sa kama. Tara na, anong floor ba tayo? Saang floor ba kami, miss?” harap ko kay Miss Officer. Mahirap na, baka totohanin ni Keene yung pagpapauwi sa akin, first time ko pa manding matulog sa isang hotel kung saka-sakali!

May bell boy na kumuha ng mga gamit namin tapos sinakay sa elevator.

Sa third floor kami ng hotel. Mag-aala-singko pa lang ng hapon at ayon sa schedule na hawak ni Keene, mamayang 6:30 pm pa ang magaganap na party. Kaya pala pinagdala ako ni Keene ng formal attire.

“Hay, ang sarap humilata sa kama!” sabi ko sabay balya ng sarili ko sa kama. “Ang lambot ng foam! Tapos---uy! Tuwalya oh! Binibigay pala talaga dito lahat ng kakailanganin? Pwede ba itong iuwi?”

“Tell me this is not your first time to enter a hotel.”

“Magsisinungaling ako, ganun?”

Napa-face palm siya sa akin. “Maliligo lang ako.”

“So? Di ko naman buhat ang banyo,” pumikit ako habang nakadapa sa kama. Hinihila ako sa pagtulog eh. Nakakaantok.

Beyond my WonderlandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon