BMW13

1K 47 14
                                    

[BMW13]

Lia’s POV

Sunday ngayon, wala akong pasok kaya hihilata ako sa kama hangga’t gusto ko. Nakakainis naman kasi, nagising ako ng maaga dahil sa nagkanda-basag-basag na mga bote. Kung gabi-gabi ay may nag-i-intermission number, kada-umaga naman na mayroong ‘action’ sa amin kada-linggo yun.

May mag-asawa kasi na nagkikita lang kapag linggo at himala na kapag di sila nag-away.

“Ang boring,” binukaka ko ang mga braso ko sa kama. Makapagbilang na nga lang ng butiki sa kisame... sa kasamaang palad, mukhang nagtago ang mga butiki ngayon.

Gumulung-gulong ako sa kama pero dahil maliit lang naman ang kama ko, sa sahig ako nauwi. “Masakit pala,” nun ko lang na-realize yun kasi ngayon ko lang naman ginawang magpagulung-gulong sa kama hanggang sa mahulog ako sa sahig.

Sinubukan kong tipirin ang hanging pinapasok ko sa baga ko. Yung kunting hangin lang ang pinapasok tapos kunti lang din ang ilalabas. Pero wala pa mang isang minuto ay hiningal na ako, natawa ako sa pinaggagawa ko, “parang aso lang---“

*tok tok tok*

“Sino yan?” wala ako sa mood bumangon.

“Hoy, Lia, bumangon ka na!” si Kuya Aldrin lang pala.

“Linggo naman!” sigaw ko pabalik.

“May nangangailangan sa iyo dito sa labas!”

Kainis! “Palayasin mo muna, sabihin mong bumalik kapag sinipag na ako!”

“Lia, get up and have yourself prepared.” *tok tok tok*

Si kuya Aldrin? Mag-i-english? Pero di ganun ang boses ni Kuya!

“Lia.”

“Sino y-yan?” bigla akong napaupo pero nasa sahig pa rin ako.

“It’s me, Keene.”

Hanudaw?!

Dali-dali akong bumangon at binuksan ang pinto.

(Omo)7

Si Keene nga!

“Sheez, look at you.”

Look at me daw. Nakita ko pa sa likuran niya si Kuya Aldrin na ngingisi-ngisi sa akin. Tengeneng. Kaya pala binulabog niya ako kahit madalas ay di naman niya ginagawa.

Sinara ko yung pinto at nagtungo sa drawer kong meh salamin.

May mga dumi palang nadikit sa braso ko sa pagpapaikut-ikot ko sa sahig! Sabog na sabog din ang buhok ko at sino pa bang magsasabing ako si ‘Lia’ gayong para na akong mangkukulam na na-rape ng sampung beses? Yucks!

Nagsuklay agad ako at tinanggal ang mga nakadikit sa braso ko.

“Pwede ng magresearch ang mga scientist dito sa kwarto ng mga bagong specie ng dumi,” sabi agad ni Keene pagbukas ko ng pinto. Wala na si Kuya sa likuran niya.

“Ehhh... ano ba kasing ginagawa mo dito? Sunday ngayon ah! Dapat walang pasok,” kakamut-kamot pa ako na nagtungo sa lababo para maghilamos.

Ramdam kong sinusundan lang naman niya ako.

“Bukas na iyong convention, sa isang private beach resort iyon gaganapin. I just have to make sure na hindi kahiya-hiya ang mga kukunin mong damit.”

Beyond my WonderlandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon