BMW12

1.1K 51 18

[BMW12]

Lia’s POV

Bago pa oras ng uwian ay nakita ko na si Devon sa labas ng office. Bigla naman akong nabuhayan ng dugo pagkakita sa kanya. Mababawasan na rin ang pagkabagot ko!

“Sir, pwede po bang mauna na akong umuwi?” iniipit ko pa ang buhok ko sa likod ng tenga ko. “Nakakahiya po kasing paghintayin si Devon sa labas, eh.”

Tutok na tutok pa rin si Keene sa binabasa niya. Eh para namang napakaimportante ng mga files na yun gayong yung invitation lang naman ang pinagtuunan ko ng pansin kanina, yun lang kasi ang nakaakit sa pansin ko eh.

“Sir, silence means ‘yes’ ha?” inayos ko ang mga gamit ko, “panu ba yan, Sir, una na ‘ko ah? Bye!” dinalian ko talaga ang paglabas dun, baka kasi pabalikin pa ako eh di na nga nagsasalita.

“Buti pinayagan ka na ni Keene lumabas eh 25 minutes pa bago ang time out?” salubong sa akin ni Devon.

“Eh bakit naman hindi? Matitigang na ako sa loob noh at di naman sumagot nung magpaalam ako, silence means ‘yes’ kaya. Tara na?”

“Haha, oo, sabi mo eh,” at inalalayan niya ako sa siko.

Ahemp. Kinikilig ako!

Sumakay kami sa elevator, tumigil yung elevator sa 6th floor at sumakay si Erma na binigyan ako ng ano-yan-ha look.

“Hi, Erma!” bati ko sa kanya. Bale napapagitnaan ako ni Devon at ni Erma, “nasaan si Arc?”

“Nasa office, napag-utusan akong kumuha ng papers sa baba,” tapos bumulong siya sa akin, “bakit mo kasama ang babaerong yan? Babaero na si Arc pero mas naman yang kasama mo.”

“Tumigil ka nga, dumi ng utak mo ha, palinisan mo kaya yan twice a week,” bulong ko din sa kanya. “Arc nga pala---este, Devon, si Erma pala. Secretary ni Arc.”

“Ow, Arc? Buti at napagtitiisan mo yung tropa kong yun? Siraulo yun eh,” sabi ni Devon. Tropa din pala niya si Arc?

“Syempre po, napagtitiisan ka nga ni Lia, ako pa kaya kay Arc?”

“Tumigil ka nga,” siniko ko si Erma. Kung anu-ano pinagsasabi kay Devon eh. Kahiya dun sa tao.

1st floor. Bumaba na kami lahat. Bago kami maghiwa-hiwalay, tinignan pa ako ni Erma at pinanlakihan ng mata. Si Erma talaga.

Ahy bahala na!

“Kain muna tayo,” aya sa akin ni Devon.

“Wag na, sa bahay na lang,” nakita na kasi ni Arc ‘kasosyalan’ ko sa pagkain, si Devon naman pakikitaan ko ngayon.

Habang-daan, kung anu-ano pinag-uusapan namin ni Devon.

“Kaliwa ka jan---oh, dito na---“ bubuksan ko na sana yung pinto kaso---

“Ako na,” dali-dali siyang bumaba tapos pinagbuksan ako ng pinto.

Uwaah! Gentleman!

“Pasok ka,” aya ko sa kanya pagkababa ko.

“Ano yun?” nakakunot noong tanong ni Devon habang iniiikot ang paningin sa barangay namin.

“Ha?” nakinig din ako ng mataman, “ah, yung mga kapitbahay naming sunog at lunod baga. Gabi-gabi yang nagi-intermission number. Walong beses kakantahin yung ‘My Way’ sa isang gabi. Hinihintay ko na nga lang na may pumutok nab aril diyan para makumpleto na ang kasiyahan, wahaha,” tinawanan ko sya.

Beyond my WonderlandBasahin ang storyang ito ng LIBRE!