BMW14

1K 41 8

[BMW14]

Lia’s POV

“Gaaah! Ang hirap magbuhat ng trolley! Trolley na nga, binubuhat pa! Kaasar!” sira na naman kasi ang elevator---this time, both! Kaya no choice na ako!

“Kaya mo yan, Lia, 5th floor na!” Ngayon ang punta namin ni Keene sa venue ng seminar cum convention.

Tumingala ako, para akong nalula, ilang hagdan pa ba ang aakyatin ko?!

6th floor! Success! Naka-anim na hagdan na ako!

“Lia!”

“Oy, Arc!” pinilit kong wag hingalin.

Tinignan niya ang buhat-buhat ko, naka-sabit na lang sa balikat ko ang blazer ko, mukha na tuloy akong babaeng amasona at pupusta akong sabog na sabog na ang buhok ko na di ko na nakuhang sinuklay pagkapasok ko sa Fire Exit. “Ako na ang magbubuhat niyan.”

“No, let me.”

“Oy, Keene!” mula sa pinanggalingan ni Arc ay lumabas din si Keene.

“Keene, bro, ako na.”

“Mine, Arc.”

Mukhang maglalabanan pa sila ng tingin eh!

“Ako na! Ako na! Kaya ko na to, mga to, oo,” pinagilid ko sila at nagpatuloy ako sa pag-akyat.

“Lia.”

Lumingon ako, “Arc, sabi ko ako na.”

“Lia.”

“Isa ka pa, Keene eh, ako na sabi.”

“Ok na ang elevator.”

Sabay pa sila.

Napakamot na lang ako sa ulo. Ang feelingera ko kasi! “A-hehe, sorry,” sabay peace sign. Sumunod ako sa kanila sa loob ng elevator. Hinila-hila ko yung travelling bag ko, “ahy anak ng teteng naman,” hinila ko pa ulit yung travelling bag na nasabit sa labas ng elevator. Hindi tuloy masara yung elevator at patuloy ang pag-‘ding.’

“Let me,” sabi ni Keene at yumuko ng bahagya sa harapan ko.

Ang bango. Naamoy ko pa yung shampoo niya. Hay ang bango.

Pagpasok sa elevator ay pinagitnaan ako ng dalawang Adan. Kulang na lang ay mamaluktot ako sa liit doon. Ang tatangkad nila, para tuloy akong kapatid nila.

“So, Lia, you’re going to the convention with Keene?” tanong sa akin ni Arc.

“Makapagtanong naman to parang wala si Keene ah.”

“Nagdala ka ba ng formal suit mo, Lia?” tanong naman ni Keene, tumingin naman ako sa side niya.

“Mag-iingat ka dun, baka may ‘mangyaring masama’ sa iyo doon,” diniinan pa talaga ni Arc yung ‘mangyaring masama’ sabay tingin kay Keene.

“No worries, Lia, I’ll be there to help you out,” si keene naman ngayon at nakipaglabanan ng tingin kay Arc.

“Shet naman, ang sakit na ng leeg ko kakatingala sa inyo tapos salitan pa kayo sa pagsasalita. Teka nga, meh nangyayare ba?” hinaplos ko ang leeg kong nangangalay na.

Umiling sila pareho.

“Wala, ewan ko lang diyan kay Arc.”

“Wala, ewan ko lang diyan kay Keene.”

Sabay pa talaga sila.

“Wala akong problema, ikaw Keene, meron ba?” humalukipkip pa si Arc at sumandal sa pader---kung ano man ang tawag sa metal na nakapalibot sa elevator.

Tumayo ng diretso si Keene tapos pinasok ang kamay sa bulsa ng slacks niya, “wala naman, Arc, okay nga ako eh. Sigurado ka bang wala kang problema?”

Oh my. Nasa war zone yata ako ngayon.

-Ting-

“Yes! Saved by the elevator ding!” sabi ko at nauna ng lumabas. Nangunot ang noo ko tapos tumingin sa loob ng elevator kung saan naroon si Arc, nakalabas na rin si Keene, “di naman ito ang floor mo ah, bakit ka nandito?”

“Sinigurado ka lang na di ka mapapahamak, ciao!” sagot ni Arc bago sumara ang elevator at bababa na naman.

“Ang weird ng mga tao ngayon!--- oy, oy, oy! Gamit ko yan!” likod na lang ni Keene ang naabutan ng sigaw ko. Binuhat na kasi niya ang mga gamit ko.

“Sabagay, masakit naman na ang likod ko sa pagbubuhat. Aisht.”

Sumunod na ako sa pagpasok sa office.

***

Author: Late na nga ang update, super lame pa. So sorry talaga, finals iih!

Beyond my WonderlandWhere stories live. Discover now