BMW30

858 37 7

[BMW30]

Lia’s POV

“Kung slow ako, bakit ko tatanungin sa iyo ngayon kung pwedeng manligaw?”

“Kung slow ako, bakit ko tatanungin sa iyo ngayon kung pwedeng manligaw?”

“Kung slow ako, bakit ko tatanungin sa iyo ngayon kung pwedeng manligaw?”

Napatigil ako sa paglalakad at dahil hawak ni Arc ang kamay ko ay tumigil din siya.

“Arc...”

“Hmm?”

“Nabingi yata ako.”

“Bakit?” lumapit siya.

“Namali ata ako ng dinig.”

“Ha? Baka naman may insektong pumasok sa tenga mo, patingin nga--- ano?”

Tinignan ko siya ng masama nang akmang lalapit siya sa akin, tinampal ko rin ang noo niya, “ang slow mo! Eeh! Para kang slow network connection, laging DISCONNECTED!” umingos pa ako sa kanya at binilisan na ang paglalakad.

“Haha,” humabol siya sa akin at dinantay ang braso niya sa balikat ko.

^///^

Ako naman si malanding bruha, kunwari nahihiya, enjoy naman pala.

“Dun tayo oh,” tinuro niya ang isang maliit na kubo. Parang carinderia lang siya kasi maliit nga lang.

Pumasok kami doon.

Pinaghila pa niya ako ng upuan. Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid ng lugar, malinis, masikip pero nagawan ng paraan para pagmukhaing malawak tapos mga shells ang nakalambitin at nakadikit sa paligid. Halatang ang creative ng gumawa.

“O-order lang ako,” hinawakan pa niya ang kamay kong nasa mesa bago tumayo at pumunta sa harap.

Pinagmasdan ko lang siya habang naglalakad.

“Ate, bili ka na po...”

“Ha?” agad akong napatingin sa gilid ko, isang batang babaeng mukhang anghel ang nasilayan ko. Kaedad lang siguro niya si Iyyam. Sa leeg niya ay nakasabit ang mga kwintas na gawa sa mga sea shells tapos sa kamay naman niya ay ang mga bracelets. Ang ku-kyut. Ang gaganda eh, “patingin nga,” yung bracelets ang hinawakan ko. Nadantayan pa ng palad ko ang kamay niya.

“Alam niyo po bang dalawa ang soulmate niyo? Pero ni isa po sa kanila ay hindi niyo makakatuluyan.”

“Ha?” napatingin ako sa mga mata niya. Kulay brown ang isa, at ang isa’y black naman. O nasira na ang mga mata ko?

Pero ganun yung kulay ng mga mata niya eh!

“Opo. Wag po kayo titingin sa malayo kasi malapit lang naman ang para sa yo.”

Pinagsasabi nitong batang to?

Tinignan niya ang mga bracelets na hawak niya at mula dun ay humugot siya ng dalawa, naiiba ang mga yun sa lahat. Iniabot niya sa akin ang isa, “pakaingatan po ninyo yan, ha? Wag niyo pong hahayaang mapunta sa iba.” Tapos nilagay niya sa bulsa niya yung isa.

“Teka, babayaran ko lang---“

“Wag na po,” pinigilan niya ang kamay kong akmang dudukot ng pera sa bulsa ko, “sa inyo na po yan. Sana po, tumama ang kutob ko sa pagbibigyan ko nung isa. Paalam!”

Tatakbo na sana siya paalis pero hinawakan ko yung kamay niya, “anong pangalan mo?”

“Jazle po. Wag po kayong mag-alala, magkikita pa tayo ulit.”

Sinundan ko na lang siya ng tingin. Ang kyut kyut niyang bata. Pero hindi siya mukhang probinsyana. Ibang-iba ang itsura niya sa mga batang nagkalat sa resort na iyon, may accent din siya eh.

“Oy.”

“Oy,” balik ko keh Arc.

Nilapag niya sa mesa yung tray na meh lamang isda, isda at isda na naman. Pakiramdam ko magkakakaliskis na ako sa kakakain ng isda sa lugar na iyon.

“Sino yung batang kausap mo kanina?”

“Anak ko, nawawalang anak.”

“Talaga, sinong ama?”

“Ikaw.”

“Totoo? Kelan kasal natin?”

“Gaguh. Hahaha,” nagkatawanan kami. “Hindi, binigyan niya ako nito oh,” tinaas ko yung bracelet na binigay ni Jazle.

Akmang kukunin niya yun pero nilayo ko sa kanya, “tingin lang eh.”

“Ayoko nga, mainggit ka.”

“Labo mo, kain na nga tayo, gutom lang yan.”

Sinuot ko muna yung bracelet bago hinarap ang pagkain.

Patuloy lang naman sa pagkukwento si Arc.

***

Author: Spoiler? Ayoko nga, wala ako nun eh. Hahaha Hindi ko alam kung paano gumawa ng spoiler. XD Ahm, magpa-private chapter na nga rin ako. XD Sunod sa uso eh, wala langsss. Sarreh naman. :* Jazle on the go--->

Beyond my WonderlandBasahin ang storyang ito ng LIBRE!